Existence 15 (One Week Christmas Fair Day 4)

1.8K 40 3
                                    

December 19 - Day 4

Concert

"Hmmm..." Gising na ko pero di ko pa binubuksan yung mga mata ko. Nagising ako dahil sa tama ng sunlight..

T-teka, s-sunlight?!? So, umaga na? Teka nga, ano bang nangyare?

Naglalakad na kami nila Thanea pauwi. Medyo nahilo hilo ata ako nun na masakit yung ulo? Tinawag ko si Thanea kasi pagewang gewang na ko tapos, tapos, tapos...

HINIMATAY AKO?!? Napadilat ako bigla at napabangon. Pag upo ko, nilibot libot ko ang mga mata ko. Nandito ako sa isang kwarto na MALAKI. Oo malaki talaga sya tapos color yellow. Mukhang lalaki ang may ari ng kwarto kasi yung mga collections puro pang lalaki. Queen sized itong bed and, IBA NA ANG DAMIT KO. Lalakad na sana ako papunta sa pinto na medyo may kalayuan ng konti dito sa kama kasi nga diba malaki yung kwarto. Nagulat ako ng makita ko si Innigo na papasok sa kwartong 'to na may dalang tray. Napansin naman niya agad yun.

"Oh, gising ka na pala. Eto lunch mo oh. I was about to wake you up 'cause it's lunch time already. Grabe ka. Pinagod mo ko kahapon." sabay lagay niya ng tray sa side table.

P-pinagod k-kahapon? K-kaya ba iba ang suot ko?!?!

"AAH! Wag kang lalapit dito! Sira ulo kang lalaki ka! Porket hinimatay ako kahapon pinagsamantalahan mo na ko? Ang kapal ng mukha mo! Pinagod pagod ka diyan?!?! Tell me! TELL ME! What happened yesterday? TELL ME!" Nang gagalaiti na ko sa galit. P-pano, p-pano kapag..

UWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! Mababaliw na ko!

"Hoy tumigil ka nga jan kakasigaw! Mahiya ka naman no! Pasalamat ka nga diya-"

"ANO?!? ANO IPAGPAPASALAMAT KO HA?!?! ANG KAPAL PA TALAGA NG MUKHA MO! PAGKATAPOS MONG KUNI-"

"HOY MAGTIGIL KA NGA DIYAN! SIGAW KA NG SIGAW EH! MALI ANG INIISIP MO! NAPAGOD AKO KASI BINUHAT KITA KAHAPON SIMULA DUN SA QUADRANGLE HANGGANG SA PARKING LOT KASI NGA HINIMATAY KA! Bwisit to! Di man lang magpasalamat!" Naiirita niyang sabi. Natigilan ako nung marealize ko kung gaano karumi ang iniisip ko. Shiz, nakakahiya.

"A-ah ehehe, a-akala ko kasi-"

"Excuse me,
I do have a choice!"

"Ang kapal talaga ng mukha mo. PERO THANK YOU HA. KASALANAN KO KASI NA HINIMATAY AKO KAHAPON EH. P-pero teka! Sino nagpalit ng damit ko?! Tsaka, n-nasaan ako?!?!" naman kasi eh! Oo na alam ko na na napahiya ako! Eh kung kayo nasa kalagayan ko! Ganun pa mga pinagsasabi niya! Aba malay ko ba!

"Tss. Si Thanea nagpalit sayo at nasa pamamahay kita kaya wag kang makasigaw sigaw! Di nga lang pamamahay eh. KWARTO KO PA. Pero don't worry. Diyan ako sa couch natulog! Si Thanea nasa guest room. Wala kayong susing dala ni Thanea kaya dito ka na namin dineretso." Wala akong susi?

"Ah- Ehehe. S-sorry naman."

"Tsss. Kumain ka na nga! Kaya ka hinihimatay eh! Di ka pala kumakain ng kanin." Kinuha ko naman yung pagkain tapos sinimulan ko nang lantakan. Oo nga gutom na ko.

"Oh. Gusto mo?"

"Di na." Umupo siya sa kama NIYA tapos pinanood lang akong kumain. Ka-conscious.

Maya maya biglang bumukas yung pinto na akala mo ay binalibag sa sobrang lakas.

"ANONG NANGYARI?!?!" Hingal na hingal na tanong nila Dylan. Napa akyat silang lahat pati si Thanea. Tumakbo siya sakin tapos hinawakan ang mukha ko in a very worried face.

"Anong nagyari sa'yo besy? Okay ka lang ba ha?"

"T-teka teka nga. Bakit ba kayo ganyan? Oo. Okay na okay lang ako no! Bakit ba kayo bigla biglang tatakbo't maghahagis ng pinto?" Matatawa na sana ako kaso bigla akong binatukan ni Thanea.

He Really Exists, What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon