Salamat naman at pauwi na ko! Phew, ang haggard ko na.
"Uyy tombsy! Uwi ka na ba?" Sino pa ba? tsk. Sabay akbay pa sa kin pero tinabig ko agad ang kamay nya.
"Obvious ba? And one more, don't touch me. Close tayo? Umalis ka na nga!"
"Ang taray mo naman!"
"You don't need to emphasize it and you don't care. Kaya once and for all pwede ba? Lubayan mo na ko?!" Arghhh! Naiirita talaga ako sa kanya.
"Okay fine!" sabi niya ng tumatawa tawa pa. Inirapan ko lang sya.
Nung palabas na ako ng gate, nabigla ako ng makita ko yung kotse nila daddy. Andito sya sa Philippines?
"Oh anak! Long time no see ha. Mas lalo ka yatang gumaganda?"
"Dad! Napauwi po kayo dito? Are you with Mom?"
"Yes my darling. 3 days lang kami dito. Tapos ka na ba? Uwian nyo na right? Sakay ka na. Uwi na tayo."
"Yes Dad." 3 days lang? Masyado na sila nagiging busy ah. Hay... Well, mga parents ko nasa states. I have a little sister and an older brother pero yung older brother ko nasa states. Kasama nila mommy and daddy. Yung lil sis ko naiwan sakin. Diba nasabi ko na naman na mayaman kami? May business sila daddy sa states and in order to manage it, kailangan nandun sila to operate it. Nandun din kami dati ng kapatid ko. Dito kami ipinanganak pero nung mag 5 years old ako eh lumipat na kami dun to start the business. Then before turning 15, bumalik kami ng Philippines to continue our highschool.
After 15 mins, nakarating na kami ng bahay ko. Oo bahay ko na to kasi ipinangalan na sakin to nila Daddy.
"Oh sweetheart! You're home, I missed you so much! Here's your favorite." Inabot sakin ni Mommy ang 3 box ng Ferrero.
"Woah!!! Thank you mommy! I love this!!! "
"Ella, anung uwi sayo?" tanong ko dun sa kapatid ko.
"Blueberries!"
"Wah! Pahingi naman!"
Ayon, naghabulan kami, namiss namin to ah, Yung kulitan ng buong pamilya. Maya maya ay nagdinner na kami. Tapos kulitan ulit. Eh sa namiss namin yung isa't isa eh. Nung napagod na ako, umakyat na ko sa kwarto ko. Nagshower na muna ako at humilata na sa kama ko sabay bukas ng laptop. Habang nagbrobrowse ako sa Facebook, may nakaagaw ng atensyon ko!
NAKAKAGALAITI SA INIS!
"Kevin posted a picture 30 mins ago. Tombsy men! Waiting for her Lablab. HAHAHAHA!"
"Wah! Bwisit ka talaga kahit kelan!" Nagulat ako nang bumukas yung pinto at pumasok si Mother Earth.
"Nak! Anong nangyari?! May kaaway ka ba dyan?"
"Ah, wala po. hehe." Pagkalabas ni Motherhood, Aish! I started murmuring again.
"Bwisit ka talaga Kevin! May araw ka rin sakin. Eto ba yung sinasabi nilang may gusto sakin? Eh ba't inaaway ako? Urgh!"
Ayan na! Nagdadagsagan na ang comment. Bale yung picture ko kasi is yung kanina na nasa coffee shop ako tapos mag isa pa ko. Eh di naman nila alam na inaantay ko si Thanea. Hay. Walang mangyayari kung papatulan ko pa sila, Sinarhan ko na lang yung laptop ko. Nako naman no. Kung papatulan ko pa sila sayang ang beauty ko! Maiistress lang ako! Maya maya, nakinig na lang ako ng music at unti unti nang nakatulog.
BINABASA MO ANG
He Really Exists, What?
RomanceStatus: Completed but under revisions (removing the "jeje" factor) Isang simpleng buhay ang meron ako. Okay na. Masaya na ako. Contented. Kahit never pa akong nagkaroon ng boyfriend. Boyfriend lang pala eh. Panira ng studies. Oh well. Ang problema l...