Existence 5

2.2K 63 2
                                    

A/N: Salamat po dun sa unang taong nacomment at nag vote dito :) Si Hyorin_Dey :) Salamat sayooooo! Idededicate ko to sayo :) Na inspire ako sayo eh :) Yun lang! Love lots :)

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

One week na rin ang nakalipas nang kumalat sa buong campus na may BOYFRIEND na ako. Grabeng big deal lang. Kasi marami na akong binasted noon sa school. Even the school's hearthrobe. Ayoko kasi talagang mag boyfriend, kasi naniniwala akong sagabal lang yan sa studies. And isa pa, ayokong masaktan. I hate it. Kayo? Nag ka boyfriend na ba kayo? Ano? Sucessful ba? Or hearthbreak din? Masakit diba? Di pa ako nagkakaboyfriend ha. Pero yun na kasi ang point of view ko jan sa mga issue na yan. 

Ngayon, instant sikat ako sa school. Super big deal lang? Andami nilang nagtatanong. Mapaprincipal, Teacher, Janitor,  Guard, tindera sa canteen, mga classmate ko, bratinelas, nerdies, ipis, langgam and everything ay nagtatanong about kay Innigo. Sino daw ba yun! Minsan nga nag eenjoy na ko eh. Wag lang syang magiging totoo. Todo palusot nga ako eh. Oh diba liarvlang. Sorry po Lord sa mga pinag gagagawa ko.

Napaaga ata ako sa school ngayon. Kanina nga may nakita ako sa office eh. Transferee ata? Pero uy! Pogi. Mukha siyang foreigner na dominant ang pagkaFilipino. Pero for sure! Bad din yun. Tulad ng ibang guys na nakakaturn off. Duh. They are all the same.

Andito ako ngayon sa garden. Favorite place ko to eh. Tahimik, maganda ang view, nakakawala ng stress. Maya maya lang parami na ng parami ang mga students at narinig ko nang nag bell.

Palakad na sana ako sa room ng nakita kong tumatakbo sa kin si Thanea. Hingal na hingal nanaman. Ano nanaman kayang problema neto. Tumigil ako sa paglalakad at hinintay siyang makarating sa akin.

"Monica!"

"Pwede wag sumigaw? Sakit sa eardrums eh." Nakalunok ata to ng megaphone eh.

"T-TOTOO-O!"

"HA?"

"T-Totoo sya! Problema ito!"

"Anong totoo? Totoo na maganda ako? Oo alam ko na yun matagal na!"

"He really exists!"

"He Really Exists, WHAT?!? Teka, di kita magets."  Naguguluhan na ko. Di ko sya maintindihan! Kayo ba naiintindihan nyo? if ever naman please paki explain nga sakin.

"May nakita ka bang lalaki kanina sa office?"

"Oo. Transferee nga ata yun eh. Gwapo no? Pwede nang crush."

"Ano ba Monica! Seryoso to! Sya!"

"Alin ba kasi! Deretsuhin mo nga ako! Nababanas na ko sayo ah. Bell na oh! Malalate na tayo. Pag di mo inayos bibigyan kita ng instant libing dito sa garden!" Kasi naman eh. Bell na no? Mapapagalitan kami ni Ma'am. Considered as cutting classes na to.

"Sya! Sya lang naman si INNIGO CARL DINARO! Totoo ang BOYFRIEND mo!"

"Yun lang naman pala eh.... ANO?!?!" P-paki ulit nga? Baka nabingi lang ako!

"Si INNIGO CARL DINARO! Totoo ang BOYFRIEND mo!"

Processing.... Loading... Initializing.... Loading.... 10%.......50%......75%.....100%..... Loading Complete.

.

.

.

.

"ANO?!? Totoo sya? Thanea! Anong gagawin natin? Patay tayo jan!" Nagpapanic ko na ring sabi.

"Ewan ko. Di ko naman alam na nag eexist talaga sya eh!"

"Sabihin ko na lang kaya sa lahat na joke lang yun?"

*BOOGSH!*

"ARAY! bat mo ko binatukan?"

"Eh gaga ka ba? Pag ginawa mo yun, paano na lang yung hamon ni Kevin?"

=FLASHBACK=

"Hoy TOMBSY."

"Anu nanama-"

"I'll go straight to the point. I like you. I really do. And because of that, I'll accept na may boyfriend ka na. PERO! Itaga mo sa bato! Pag di totoo yan, liligawan kita. And I'll even do everything to get you. Hinding hindi kita titigilan. But before that. Show him to me."

"As if namang mag breabreak kami ng boyfriend ko?"

=END OF FLASHBACK=

"Oo nga. Ayoko dun. Eh pano na yan?"

"Hmmm. Ang natatanggi na lang nating solusyon ay..... PAKIUSAPAN mo sya."

"HUWATTTT!?" Siraulo ba tong bestfriend ko? Ni hindi nya nga ako kilala tapos ganun?

"Ayoko! Nakakahiya!"

"Eh anong gusto mo? Pano pag nalaman ni Kevin? Tandaan mo hindi imposibleng mangyari yun. Lalo na't nasa iisang campus lang tayong lahat. And remember! Kalat na kalat sa buong campus na boyfriend mo si Innigo at hindi malabong makarating yun sa kanya."

"Kasalanan mo to eh! Kundi dahil jan sa plano mo eh!"

"Buh! Ako pa sinisi mo? Ikaw nga gumawa nun at excited ka pa nun!"

"Eh kasi naman eh."

Hay, naglakad na lang kami papunta sa room. Super kabado ako. Pagdating namin, wala pa si teacher. Huh? Late?

"Sharlene, nasan si ma'am? Absent?" Tinanong ko yung kaklase ko.

"Hindi. May bago daw tayong kaklase! Lalaki! Excited na tuloy ako!"

"A-ano?" Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Uh-Oh. Nagkatinginan kami bigla ni Thanea.

"Yup!"

Naupo na kami ni Thanea and tentenenen! Pumasok na si Ma'am sa room kasama yung guy na nakita ko kanina sa office. PATAY TAYO DYAN!

He Really Exists, What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon