Existence 7

2.3K 59 2
                                    

Pagkatapos maka-uwi ni Innigo, umuwi na rin ako. Kapagod din ha. Pag ka-uwi ko, bumalandra sakin ang kapatid ko with shining shimmering glittering eyes but with an EVIL SMILE.

"Oh, anong topak mo?" pag ganito kasing pagod ako nanunungit talaga ako.

"Ayieeeee!"

"Eh?"

"Naks naman! Bumoboyfriend ka na talaga! Di ka na NBSB! Kala ko dati biro biro lang yung kumakalat nun eh. Totoo pala! Kasama mo pa kanina! Lumalandi ka na ate!!!!!!! Hahaha!"

Bastos tong kapatid ko ah. Pagod talaga ako ngayon, makakatikim to. Wala akong balak sabihin dito yung fake relationship. Madaldal to eh. Pero dahil pagod na talaga ako, di ko na papatulan.

"Ah, Oo."

"Nakita ko nga sya kanina eh. Innigo yung name right? Pogi ate! Pakilala mo naman ako! Crush ko na sya ate. "

"Heh! Tumigil ka." Aba aagawan pa ko?

"Ayieee! Selos, nga pala ate, tumawag si ate Thanea. Pupunta daw sya dito. Makikitulog daw? Tapos ate aalis ako. Pupunta ako kina Jum. Dun na ko mag oovernight.. Magdadala na lang akong uniform para bukas."

"Oh sige. mag ingat ka ha.Tumawag ka pag may kailangan ka."

"Oh yes ate. Ayieee! May boypren na sya!" Di talaga siya makamove on doon ano?

Tss.. Gagala nanaman. Kaya pala nakabihis. Hay. Okay lang sakin na dun sya kay Jum. Matagal na silang magkaibigan nun. Bestfriends nga yun eh. Pero di ko masyado nakakausap. Di kami close! Suplada kasi ako. And yes. I admit it. Umalis na si Ella. Pagkalabas nya sumigaw sya.

"Ate! Andito na si ate Thanea. Enjoy!!!"

"Bunganga mo!"

Pumasok na si Thanea sa bahay.

"Hi Besy!"

"Oh, Bakit may dala kang beer? Nako Thanea."

"Wala lang! Inom lang tayo. Ano ka ba. Light lang 'to oh."

"Hmm. May problema ka no?" More or less kilala ko na to. Bestfriend ko to eh. Pag ganito to alam ko may problema na yan. Dumeretso kami sa sofa.

"Start." Pag utos ko sa kanya. Alam ko maraming ikwekwento yan at pagod na ko.

"Besy. Huhuhu." Ayan na. Umiiyak na. Sabi ko naman sa inyo eh.

"Ano ba kasing problema? Pagod na ko oh."

"Maghihiwalay na sila mama at papa. Di ko alam gagawin ko."

"ANO?!? Bakit?"

"Kaya pala ako sinundo kanina ni mama. Pag uusapan kasi namin kung kanino daw ba ako sasama. Eh di ko kinaya. Umalis ako. Tumawag ako dito kung pwede makitulog. Wala ka pa kanina kaya si Ella ang nakausap ko. Ayoko dun Bes. Di ko kaya. Please, pwede bang makitira muna?"

"Per-"

"Please? I really can't."

"Okay FINE. Dun ka na sa guest room. Pero kung gusto mo ng may katabi lumipat ka lang dun sa room ko." Hay. Kawawa naman to. Ang malas naman nya sa magulang. Swerte talaga ako. Kahit nasa states sila, buo pa rin kami. Walang away away. Sana forever nang ganito. Kumain na kami ng dinner. Nagpadeliver na lang ako. Ganito naman kami ni Ella eh. Mahilig ako magluto pero kung dalawa lang kaming kakain, tinatamad ako. Napag isipan namin na sa kwarto ko na muna sya matutulog. Tinatamad pa kong ayusin yung guest room eh. Kaya sa room ko muna sya. Pinahiram ko na din muna sya ng damit. Wala rin syang dala kasi nga diba naglayas lang sya. Cinontact ko na din ang parents nya para di naman mag alala. Kampante naman sila na nasa puder ko si Thanea. Mabuti na din daw yun atleast alam nilang safe si Thanea.

Kasya naman kami sa kama. Mayaman kami diba? Kaya queen size tong bed ko. Matutulog na dapat kami nang bigla syang nagsalita. Ano ba yan. Pagod na talaga ako. Gusto ko na talaga magpahinga. Sasakalin ko na to promise.

"Ah, ano na nga pala ang napag usapan nyo ni Innigo?" Oo nga pala.

"Gumawa kami ng contract/rules." simpleng sagot ko

"Contract?"

"Oo. Pumayag siya sa balak ko. Ewan ko ba dun. Kung ako dun di ako papayag."

"Ayaw mo?"

"Di naman sa ayaw ko. Buti nga pumayag sya eh. Pero nakakapagtaka lang. Hello. Strangers kami diba?"

"So what's about the contract?"

"Pumayag sya sa isang kundisyon."

"Ano naman?"

"Ako daw gagawa ng assignments nya. For the whole month of November." Kaasar.

"Pumayag ka naman?"

"Syempre. Kailangan eh."

"Eh pano kung maging close kayo?"

"Eh? Anong paano kung magiging close kami?"

"Pano kung mainlove ka sa kanya? Monica, alam ko ang tunay na dahilan kung bakit ayaw mong mag boyfriend kahit sandamakmak na ang nanliligaw sayo. Takot kang masaktan. Pano kung mainlove ka? Ano na tong pinapasok mo? Di ka ba natatakot na mainlove ka sa kanya? Lalo na't lagi pa kayong magiging magkasama."

"Bes. Alam ko tong pinapasok ko. Teka nga! Ikaw nga nag pupush sakin neto eh. Sabi mo di ako pwedeng umurong tapos ngayon ganito? Tsaka sino bang may idea neto? Diba sasabihin ko na nga lang na joke lang to pero pinigilan mo ko. Labo mo sis. Tsaka isa pa. Di ako maiinlove dun. Never. Hindi sya ang ideal guy ko. Mayabang yun eh. And one more. Oo nga. Takot akong masaktan. Kaya nga eto pinili ko eh. Fake relationship. FAKE. F-A-K-E. Gets mo yun? Fake kaya di ako masasaktan. Kasi nga, NO FEELINGS INVOLVE. Di ko sya mahal kaya di ako masasaktan. Gets ha? GETS?"

"Alam mo bes, defensive ka. Pag yang mga sinasabi mo, yung di ka maiinlove? Huh. Baka balang araw kainin mo yang mga sinasabi mo."

"WHATEVER. Matulog na nga tayo. Pagod na ko eh. Kanina pa." Natahimik na din kami. SA WAKAS. YES! Makakatulog na ko.

He Really Exists, What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon