Existence 16 (One Week Christmas Fair Day 5)

2.2K 45 2
                                    

December 20 - Day 5

Christmas Party

WAH! Wala akong maisip. Problema nanaman. Nandito kasi kami ni Thanea sa coffee shop ni Tyrone. Mamaya pang 2 pm yung christmas party namin so I think okay lang na mamasyal muna. 10 pa lang  naman eh. Bakit ako namomroblema? Simple lang. W.A.L.A P.A A.K.O.N.G P.A.N.G .E.X.C.H.A.N.G.E G.I.F.T. Sobrang simple diba? Nakakairita. Pinaka ayoko kasi yung nag iisip ng ipapang regalo. Nakakaflappy eh (A/N: Flappy= nakakabobo)

"Huy. Ano na bang bibilhin mo? Nakabili na ko oh!" Buti ka pa Thanea.

"Ang baduy naman ng sayo. Hmm. Makutsa ka pa diyan."

"Hoy anong baduy! Bagay na bagay nga to sa mga boys eh! Pormang porma! And for their information, $750 'to! " Tuwang tuwa pa siyang binubuklat yung pang eexchange gift niya. Isa syang scarf na ginto. Sa American store niya binili. Ang mahal nga eh. Eto kasing si Ma'am. Ang exchange gift naman ay 20,000 pataas kasi mayayaman naman daw kami. Susme. Abuso masyado yung eskwelahan namin. Paano yung mga scholar? Ayun, may sariling christmas party na mumurahin lang daw ang exchange gift. Dun na lang kaya ako? Baka mas madaling makahanap ng ipapang regalo. Kasi doon, simple lang masaya na sila, naaappriciate na nila. Eh sa klase namin, pag hindi branded kukutsain regalo mo. Oh diba musta lang?

*FLASHBACK*

First Christmas party ko dito sa Pilipinas pati na rin sa buong buhay ko. Kasi sa states di naman uso ang christmas parties churvaloloo eh. Sabi nung teacher namin, bumili daw kami ng pang exchange gift. Eh di ko narinig na may price pala na kailangan bilhin. Eh ang binili kong pang exchange gift ay Jansport na bag na backpack. Oy mahal na rin to ah! 3,000 din to! Naka sale pa! Ayoko kasi ng masyadong magastos.

"Oh! Bigayan na ng gifts!" Sabi nung advicer namin. Ang number ng gift ko ay 3.

"Number 3 where are you?" With maarteng tone pa ang pagkakasabi ng kaklase kong yun. Parang maarte to eh. Wait let me correct myself, MAARTE talaga. Tapos trying hard pa. Di naman kasi talaga yata sila mayayaman. Ang pagkakaintindi ko sa mga chismosa out there ay may step father siya. Yun lang naman daw yung mayaman. Pero sila ng mommy niya, hindi naman! Tsss. Bully rin yan dito eh. Nung first days ko nga dito binully na ko nyan eh. Iniignore ko lang.

"Uhmm, eto oh. Number 3. Sana magustuhan mo!" Naka ngiti kong sabi. Kahit naman ganyan yan eh I still need to be nice.

"Uh, okay." Dinampot nya yun tapos binuksan niya. Pagkakita niya ay parang diring diri pa siyang hawakan.

"Eeew! What's this? Are you sure you're rich?!?! Exchange gift? Jansport? Eto ba yung SANA MAGUSTUHAN KO? Yuck! So low class! Di man lang Gucci or Chanel or Prada or Hermes or Louis Vuitton! Can't you hear what our advicer said? 20,000 and ABOVE! Oh my gosh! Keep your own trash!"

Lumuwa ata di lang mata ko kundi pati mga laman loob ko eh! Grabe naman to! TRASH?!? Teka! Makakatikim sakin tong maarteng babaeng to!

"Hoy ikaw bruha ka! Don't ever try to call this bag a trash! Mag Gugucci or Chanel or Prada or Hermes or Louis Vuitton ka pa eh ikaw mismo mukha ka namang basura! Bibili ka ng ganung kamahal na mga bag para lang pang exchange gift!? Bakit ka pa aasa na makakatanggap ka ng ganung mga bag sa isang christmas party? Bakit? I thought you're rich? Why? Can't you afford one? Pinangangalandakan mo ditong mayaman ka eh di ka pala makabili! Kung ayaw mo EDI WAG MO!" Tapos tumalikod na ko. Aba! Sino siya para lait laitin yung binili ko? Ang dami dami ngang nagugutom diyan eh. Kung sa kanila ko pa ibinigay itong 3 thousand na to edi nabusog pa sila? Tss. 

"ARAYYYY!"  Bigla niyang hinatay yung buhok ko. Pinagtitinginan na tuloy kami ngayon ng madaming tao.

"How dare you say that to me! Excuse me! I CAN AFFORD THOSE KINDS OF BAG! I'M RICH! I CAN ASK MY FATHER TO GET ME ONE!"

He Really Exists, What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon