Existence 12 (One Week Christmas Fair Day 1)

2.3K 44 3
                                    

December 16 - Day 1

BOOTHS

"Wah! Monica! Buti naman andito ka na! Tulungan na kita. Andami mong dala eh."

"Salamat naman at naisip mo yun no?"

Andito na kasi kami sa qaudrangle. Kakarating ko lang actually. 10 am pa ang opening pero yung mga students 6 pa lang dapat nandito na. Syempre para maayos na nila yung kanya kanya naming booths. Syempre dedesignan pa yun and everything. Ngayon, inaayos namin yung sariling booth namin. Syempre yung mga flowers, veils, rings, si father kuno, at kung ano ano pa ay prineprepare na rin namin. Phew! Kapagod lang! Maya maya lang ay natapos na rin namin ayusin. Nagsimula nang pumasok ang mga outsiders na pamparami.

Yung marraige booth namin may rule. Kalokohan lang. Every hour, may tatawagin kaming dalawang tao sa gamit ang mic. Oo mic siya and maririnig siya all over the quadrangle. Syempre boy and girl. Alangan namang magpakasal ka ng lalaki sa lalaki tapos babae sa babae? Yung dalawang taong yun, kailangan magpakasal sa booth namin. Kung di nila gagawin, they should pay 3,000 pesos EACH. Bawal libre or utang. Mayayaman naman tao dito eh.

"Monica! 11:00 na. Suprise couple na ulit." utos nung isa kong classmate.

"Sige sige." nag iscroll ako dito sa names at BAM! *evil grin*

"Thanea Mendiola and..

.

.

.

"

"Sino? Pabitin naman eh!" reklamo ni Thanea.

"Ryan Castillo!" Obviously naka mic ako nung sinabi ko yun sa mic na naririnig sa 4 large speakers na nakapaligid sa buong quadrangle so wala nang bawian.

"Monica naman eh! Alam mo naman diba? Bakit siya pa? Alam mo namang may gusto yun sakin eh! Pang-asar ka talaga!"

"Eh anong magagawa ko? Automatic tong computer? And one more, nasabi ko na siya and wala nang bawian. Sisihin mo yung computer!" mamamatay na ko dito kakatawa.  Nakasimangot lang siya.

"Oh ano? Pay us or tententenen, tententenen! Ang OA mo naman. Edi magbayad ka. Problema ba yun."

"Pautang na lang please? Di pa ako nakakawithdraw eh."

"Uh uh uh. Bawal ang utang!"

"Naman eh! Parang di bestfriend." Nakapuot pa siya. Nakakatawa ang peyslak niya.

"Upo na dali memake up-an ka na!"

"As if I have a choice?"

Ayan na. Minamake-up-an na siya. Wath da eyf. Badtrip siya syempre. Natapos na rin naman yung mga echeng echeng na yan. So ngayon, lunch break na. Sabay kaming kumakain. Maya maya may pogi este panget na sumulpot. Guess who?

"Pwede makisabay?"

"Sure Innigo!" sabi ni Thanea.

"Did I say yes?" pasungit kong tanong kay Inngo.

"She did." Nakangiting sagot niya.

"Eh bakit dito pa?"

"Syempre!"

"At nasa contract yan besy. You should act like a couple. And besides, malapit na naman mag end ang pinakamamahal niyong kontrata." eeew. Pinakamamahal? Duh. Pero oo nga pala! About that contract.

"Pero Innigo may kailangan tayong pag usapan." umupo siya sa tapat ko. Si Thanea kasi nasa tabi ko.

"Oh ano yun?"

He Really Exists, What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon