Existence 8

2.3K 51 1
                                    

Di ko namalayan. December na pala. Phew. Matagal tagal na rin pala kaming nagpapanggap ni Innigo. Well, iniiwasan kong maging close sa kanya. Tumatak kasi sa isip ko yung sinabi ni Thanea  eh. Speaking of my bestfriend, samin pa rin sya nakatira. Oh Well. Dapat singilin ko na ata yun ng renta eh. Aba! Mahal na kuryente ngayon! Kahit naman mayaman kami marami kaming binabayaran no.

Well, Matagal tagal ko na rin ginagawa ang assignment nya. Pasalamat sya may kailangan ako sa kanya at TOP ako. Madali lang ang lessons. Well, matalino naman sya. Humahabol nga sakin pag test eh. Tumatop na rin. Tss. Pero, ANG YABANG NYA HA. SOBRA. Lalo na sa school. Speaking of school, one week na lang at Christmas Fair na. Sobrang busy ko na tuloy.

"Monica, Uminom ka muna oh. Hay... Sobrang busy ka oh. Kawawa ka naman." Andito kami ngayon sa library. Di pa ko naglulunch. Sobrang busy ko talaga eh.

"Salamat."

" Oh eto sandwich. Ayaw mo talagang maglunch?"

"Di naman sa ayaw. Busy pa ko. Hay. Sa lahat ng sections, section na lang natin ang wala pang plano para sa booths."

"Eh diba dalawa pinagpipilian ng klase natin? It's either photoshoot booth or marraige booth."

"You know, pwede nating gawin yung dalawang yun. We can do both. Nag aaway kasi sila eh. Gusto ng isa eto, yung isa naman yung kabila. Kaya dalawa na lang."

"Pero ang gastos nun masyado."

"Mayayaman naman parents nun. Nakapasok nga dito eh. Boys sa Photobooth, girls sa Marraige booth."

"Masyado ka ha! Kamusta na nga pala kayo ni Innigo?"

"Ha? Eh Okay naman. Kaso ANG YABANG talaga. Kesyo matalino daw sya, gwapo, whatever."

"Palibhasa nagkakaroon na ng fan girls eh noh? Threatened ka na yata." Yes. May fan girls na sya. Kaya mas lumalaki ulo   Tsss.

"Anong threatened ka diyan. Di naman siya gwapo. Tss."

"Oy gwapo naman. Conceited lang."

*toot* *toot*

Uy may nag text. Kinuha ko yung cp ko.

From: Candice Saloma (Singing Club Vice President)

Monmon, nagback out yung makaka duet mo sa concert. Maghanap ka na ng new duet mo. Di na pwedeng umatras. Naipasa na sa head natin ang performances. Thank yah!

Napalumo na lang ako. Hay.

"Oh, problema nanaman yan no?"

"Nagbackout yung makakaduet ko. URGH! Andami ko na talagang gagawin! Di pa nga plantsado yung sa booths, gumagawa pa lang ako ng plans for the family day, tapos inaayos ko pa lang yung sa bazaar tapos eto?!? Nagbackout pa. AHHHHHHHHHH!" Sumigaw na ko. Fustrated na talaga ako.

"MS. CERVANTES! KEEP SILENCE!"

"S-sorry po Ma'am." Hay... Tinatamad na ko maging class president huhuhu ayoko na.

"Keribells mo yan sis. Tutulungan na lang kita."

"Salamat sis."

*Bell Rings*

Pumasok na kami ni Thanea. Time na pala. Hay. English ang class namin ngayon. Well. Ang alam ko absent yung teacher namin ngayon eh. Well! PARTEY PARTEY!!! Gumulong na ang oras. Hanggang sa ngayon, uwian na. Pumunta ako dun sa locker ko. Kukunin ko yung books ko. Madaming assignments eh. Gabi na kaya medyo may kadiliman na rin. Nakakatakot. Pero di ako takot ng multo. Bakit? Simple lang. Di pa ako nakakakita ang ayokong makakita. Ang daldal ko.

He Really Exists, What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon