Existence 21

1.6K 44 3
                                    

Author's Note:

Nakakainis! Di ako nakatiis >.< Ok lang yan. May vote naman eh :">

Eto, short update.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Afternoon na ng December 31. Opo. Mag nenew year na. 8 hors to go and it's new year. Sorry kung finast forward ko ha? Mabobored lang kayo sa mga nangyari. Ako nga batong bato na dito sa kwarto eh. Pano ba naman kasi. Wala akong ginawa kung hindi mag kulong lang ng magkulong. Eh sa ayaw kong lumabas eh! Minsan nagtataka sila pero nalulusutan ko naman sila. The best na palusot? Yung sinabi sa amin nung Nurse. I need a bed rest daw diba. So yehey. Mas napadali. Si Daniel at Thanea lang ang nakakaalam ng totoong rason. Si Daniel, suportado ako. Si Thanea, HINDI. Todo sermon sa akin. Kesho mukha na daw akong makahiya dito na nag titiklop pag andiyan na si Innigo. Tsss. Palibhasa wala siya sa sitwasyon ko.

Tulad ng sinabi ni Nathan, here i am, no choice kung hindi sumama sa kanila. Sumama doon sa hill climbing at camping sa taas ng bundok. Nakaprepare na yung mga gamit ko. Konti lang naman. Pang overnight lang tapos syempre lotion pang tanggal sa lamok tapos dinala ko na rin yung portable fan. Ang init kaya no. Binili namin 'to sa mall noon. Dahil sa tapos na akong mag ayos, nag laptop muna ako. Actually kay Tyrone 'to. Wala nga akong masyadong dala noon diba?

Nitong mga nakaraang araw, NAG ISP AKO NG SOBRA. Nag isip ako ng ways or plans para makawala sa rules/contract namin ni Innigo. Kailangan na naming mag break sa mata ng mga tao. Kailangang malaman ng mga schoolmates namin na break na kami. Ayoko na talaga. Si Kevin kasi eh! >.<

Nag facebook muna ako. Di pa naman nila ako tinatawag eh. Habang nagbrobrowse ako. Biglang lumawak ng napakalawak yung ngiti ko.

Kevin posted a photo 3 hours ago.

Welcome to New York! Salamat sa mga naging kaibigan ko sa Pilipinas. Wag niyo kong kakalimutan ha? Mamimiss ko kayo! I'll start a new life. Aayusin ko ang sarili ko, para naman pag balik ko sa Pilipinas, I'll be better for YOU.


It is a picture of Kevin na nakapose sya sa may Statue Of Liberty. May halong saya, lungkot at kaba akong nararamdaman. Masaya kasi umalis na siya dito at di na namin kailangan ituloy ang pagpapanggap. Yung kaba, kasi sabi niya "I'll be better for YOU." Nakaemphasize pa yung YOU. Ako kaya yun? Syet katakot. Yung lungkot, tama ba itong gagawin ko? Tuluyan na akong lalayo? Pero kasi naman. Para rin ito sa ikabubuti ko. Naming dalawa. Sa ganitong paraan, di na niya ako masasaktan. Sa ganitong paraan, di na ako masasaktan. Isa lang ang alam ko sa ngayon.

Gusto ko na talaga si Innigo. But I have to stop it.

I need to talk to Innigo. ASAP.

*Knock* *Knock* *Knock*

"Pasok." Sabi ko sabay sara nung laptop.

"Mons, ready na lahat. Aalis na tayo. Sure ka bang kaya mo na?" Sabi ni Tyrone.

He Really Exists, What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon