Existence 18

1.9K 42 2
                                    

Malapit na Christmas. Ilang days na lang ba? Ah basta malapit na. Bukas kasi 24 na.

Nakakapanibago. Bakit? Simula kasi nung gabi nung 21, yung last text ni Innigo, di na niya ko kinausap. Personal man or sa text. Akala ko ba 2 days? Eh bakit isang araw lang niya akong ginawang slave? Di na siya nagpapakita. Tsss.

"Passengers of Flight 128, Manila, Philippines to Las Vegas USA, Please proceed now. The plane is leaving in 15 minutes."

"Hey ate, ingat ka dito ha? Wag kang gagawa ng bad. I'll send some email pag kasama ko na sila mommy. Mamimiss kita!"

"Awwww. Mamimiss din kita Ella! Mag iingat ka doon ha? NO BOYFRIEND. Okay?"

"Yes ate. Bye!"

"Bye!"

Hay. Mas boring na naman buhay ko. Sinong aalis? Edi si Ella. Ewan ko ba dun kay nila mommy. Ang sabi nila dito nila kami paggragraduatin. Pero ayun, si Ella pinapunta nila sa USA. Paano yung studies niya? Aba malay ko sa kanila. Ako na lang tuloy dito. Actually hindi naman ako nag iisa. Kinuha ako ni Mommy ng makakasama sa bahay. Yaya ba. Pero after New Year ko pa siya mamemeet kasi mag chrichristmas pa. Si ate Leng, umuwi ng probinsya nila. Di na yata babalik. Si Thanea bumalik na sa bahay nila. Bati na ata yung nanay at tatay niya. Nako. Masyado silang magulo. Paano ako sa pasko? Siguro makikipasko na lang ako kina Thanea. Bahala na.

Lumabas na ko sa airport. Time check: 9:00AM Okay. Maaga pa. Ayokong ibore ang sarili ko sa bahay. Mag isa na nga ako mag loloner pa ako? No way. Pupunta na lang ako sa SM. Hindi ko kasi mabisita si Thanea. May lunch sila ng family nila. Christmas get together. Or better yet, guluhin ko si Tyrone. Close na naman kami nun eh. Oh Oh Oh. Mga malisyosa niyong utak. Kay Thanea na yun. Bibisitahin ko lang. Nung nasa SM na ako, ayoko namang agad na pumunta doon. Ang aga aga pa. Hmmmm. Bibili na lang ako ng mga regalo! Para kay...

Thanea and the ABoys.

First, si Thanea muna binilhan ko ng regalo. Di naman siya mahirap hanapan ng regalo. Babae naman kasi eh. Kung ako mahilig sa HEELS, siya mahilig sa FLATS. Kaya ang binili ko sa kanya ay doll shoes. Ang ganda.

Next kong binilhan, is yung ABoys. Kanina pa ako may naisip an ireregalo sa kanila. Personalized shirt :) Ang ipinalagay ko dun ay PROUD TO BE A PART OF THE ABoysOkay po. Ako na malakas ang topak. Tapos sa gilid nung shirt nakalagay yung names nila. Oh diba ang ganda?

"Miss, pwede po ba paki balikan na lang po after 1 hour. May mga nakapila pa po kasi eh."

"Oh sure. Magkano?"

"350 po each shirt kaya 2100 po lahat."

Inabot ko yung pera. Pinababayaran na kasi agad eh. After nun umalis na ako. Babalikan ko na lang after 1 hour. Habang naglalakad ako may nakita akong isang shop. Shop siya ng mga bagay na pwede mong ipapersonalized pero puro accessories lang. Pumasok ako dun. Napatingin kao dun sa mga braclet pero pang lalaki. Pang couples ata to eh. May girl version kasi pero out of stock na raw. Yung panlalaki na lang. Maganda yung design. Hindi siya yung basta bastang bracelet lang, metal siya. Ipapaengrave mo yung ipapalagay mong pangalan or number or whatever you like. Hindi ko alam kung anong nag push sa akin na pumili ng isa dun tapos pinapersonalize ko siya.

"Ma'am ano po ang ilalagay?"

"ICD."

"Initials po?"

"Opo."

"Nakakatuwa naman. Kanina po kasi may kumuha po nung partner neto. Nag pa engrave din po siya pero initials lang din po."

"Babae?"

"Nope. Lalaki po. Para siguro sa girlfriend niya. Ang cute nga po eh! Ang gwapo. Para sa boyfriend nyo po ito?"

He Really Exists, What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon