Simula

5.1K 64 7
                                    

Simula



"Aalis din ako rito"

I whispered to myself as the gusts of the wind made the leaves fall from a tall tree. I closed my eyes for a while until the wild whispering of the wind stopped. Nilingon ko ang bahay namin na ganoon pa rin ang ayos. Kahit na magara rin naman ang bahay na iyon ay mas engrande pa rin ang sa Maynila. Bukod doon, sigurado akong hindi ko magugustuhan ang pansamantalang pananatili. I like the skycrapers of the city, the roaring of luxurious cars, and... the guys. Clean cut, cool, playful, hot and rich. Name it.

Bumaling ako sa paligid na tahimik at huni lang ng ibon ang naririnig. Ang bahay namin dito La Suena ay nasa bandang dulo na kung saan kalapit namin ang mga simpleng mamamayan. Bahay namin ang tinuturing na mansyon ng mga taga rito.

"Rosealie!"

Tita Esmeralda jogged and her arms wrapped around me. Yumakap din ako pabalik at hinalikan siya sa pisngi. Siya ang nakababatang kapatid ni papa at nang namatay si mama dahil sa panganganak sa akin ay ito na ang naging tirahan niya.

"Ang ganda ganda mo lalo!" puri niya matapos akong yakapin.

Ngumiti ako. "It runs in the blood, tita," sabay tawa ko na sinabayan din niya.

"Halika at ipapakuha kita ng almusal. Sigurado akong hindi ka pa nakakakain," aniya saka ako hinila papunta sa mahabang mesa.

I sat there as I watched her leave for the food. And when she was gone, I scanned the house to see if there's anything new. Sa pagkakaalala ko ay ganoon pa rin naman ang mga gamit pero ang iba ay napalitan ng mas moderno.

"Rose," si papa. "Where's Esme?"

"Nagpakuha po ng almusal," sagot ko habang pinapanood siyang umuupo sa tabi ko.

Ngumuso ako at tamad na humilig sa wooden chair ko. My life here will be boring, isip ko. Bukod kay Tita Esme, kay papa, at ilang kasambahay, wala na akong pwedeng makausap.

Well, I can make friends here if I want to. Anong klaseng mga kaibigan ba ang mga tao rito, kung ganoon? Do they have iPhones or atleast any modern phones? Anong sinasakyan nila rito? Kabayo? I wonder if they have luxurious cars here. Meron naman sigurong tricycle rito. Tss. How about their houses? Nipa hut?

Nagmura ako sa isip ko pagkatapos kong isipin ang mga iyon. Ganoon ba katigas ang ulo ko para rito ako pag-aralin ni papa? And what kind of school? Public? Walang aircon? Damn, so cheap.

"Kuya Benedicto!" Tita Esme sat in front of us. "Ngayon pala kayo darating. Ang akala ko sa isang araw pa kaya hindi ako nakapagpahanda,"

Inilapag ni papa ang gamit niya sa gilid at pinagsalikop ang mga daliri sa ibabaw ng mesa.

"Inagahan ko na para naman maaga palang ay makapag-adjust na rito si Rose," dahilan niya saka ako sinipat.

Sumandal si tita sa upuan. She crossed her arms over the chest. "Why did you bring her here, kuya? Vacation?"

Tita was staring at my father so I took that as an advantage to roll my eyes. Vacation, my foot. Sana nga bakasyon lang ang plano.

"No," aniya. "She'll stay here,"

Tita's eyes squinted. "Until when?"

"Until she graduates," sagot kaagad ni papa.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni tita at nilingon ako pero agad ding binalik kay papa ang tingin.

"Dito mo pag-aaralin ng huling dalawang taon niya?" she asked.

Papa nodded. "She's very stubborn and she's wasting her money. Sumasakit ang ulo ko riyan. Kung makawaldas ng pera akala mo siya ang naghihirap makuha 'yon,"

"We're damn rich, papa!" hindi ko na napigilan. "What? Ibuburo mo ang pera? Money is supposed to be spent!"

Nakaawang ang labi ko nang tumawa nang sarkastiko si papa. Kunot noo namang pabalik-balik ang tingin sa amin ni tita.

"Kita mo, Esmeralda?" he shook his head in dismay. "Puro pagwawaldas ng pera ang alam kaya ganiyan ang ugali,"

Tumayo ako sa sobrang inis. "Anong gagawin sa pera, papa? Itatago para mabulok? What's the purpose of hardworking if you're not going to spend the money? Edi sana hindi na lang kayo nagtrabaho-"

"Kuya!" sigaw ni tita nang makatanggap ako ng isang sampal kay papa.

Mabilis ang hininga ko dahil sa pinipigilang pagsabog. Nanatiling nakatagilid ang ulo ko matapos ang sampal.

"Hindi kita pinalaki para bastusin ako, Rose!" umalingawngaw ang sigaw ni Papa habang dinuduro ako.

The maids were shocked and scared. Ang iba ay nakikinig nang patago at ang ilan ay bumalik sa pagtatrabaho.

I swallowed the lump in my throat as I tried to hold back my tears. Hindi ako kumurap dahil alam kong tutulo ang luha ko kung gagawin ko iyon. I stared at my feet.

"Hindi ka na babalik ng Maynila simula ngayon. Lahat ng cards mo blocked. You won't have your phone!"

Mabilis akong nag-angat ng tingin kay papa dahil sa taranta. Mabilis din ang hininga niya sa sobrang galit.

"Papa! That's too much! Pati ba naman iyon?" iritadong tanong ko.

"'Yan ang nararapat sayo. Kung marunong ka lang sanang rumespeto at magpahalaga sa mga bagay, hindi mo 'to nararanasan!" aniya saka mabilis na hinablot ang gamit at lumabas ng bahay.

"Damn it!" sigaw ko at padabog na umupo.

Tumulo ang luha ko dahil sa sobrang frustration at galit. Ngayon ko lang din naramdaman ang sakit ng sampal sa akin kaya mas lalo akong umiyak.

"M-Ma'am, ito na p-po ang almusal..." kabadong sabi ng mas matanda saking kasambahay habang nilalapag ang pagkain.

Tumayo si tita at kinuha iyon. "Salamat,"

Pagkaalis ng kasambahay ay pumikit ako nang mariin habang hinahaplos ni tita ang likod ko.

"Tita, what am I going to do?" naiiyak kong sabi.

Umiling siya at tinignan akong parang naaawa sa kalagayan ko. "Kuya is right, Rose-"

"Tita naman!" inis kong sabi. "I hate all of you!" saka ako tumakbo palabas at hinayaan ang mga paa kung saan ako dalhin.

I won't stay here. I will find a way to leave this place.

War of Love (La Suena Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon