Kabanata 29
"Rosealie! Hindi ka ba lalabas diyan sa kwarto mo? Ayaw mo bang bisitahin ang mga kaibigan mo?" sigaw ni papa sa labas ng kwarto ko.
Dalawang araw na lang at magpapasko na. Mag-iisang linggo na ako sa Maynila pero ni hindi ako gumimik o lumabas man lang. Ni hindi ko nga rin nasabi sa mga kaibigan ko na narito na ulit ako.
"Papa, wala ako sa mood lumabas!" sigaw ko pabalik at humilatang muli sa malapad at malambot kong kama.
"Nasalubong ko kanina sa mall si Iris at kinakamusta ka niya. Nasabi kong nakauwi ka na kaya nagtataka siya kung bakit hindi ka nagpapakita,"
Napabangon ako at nakapag-isip. Ilang araw na akong nabuburyo rito at magandang ideya nga naman na kitain ang kaibigan. Naligo ako at nagbihis ng madalas kong suotin kapag pumupunta ng bar. Kanina pagkababa ko para sa almusal ay inabutan ako ni papa ng bagong cellphone. Nabigla pa ako roon dahil bagong labas ng iPhone ang binili niya sa akin. Doon ko naisipang magdownload ng mga social media apps at i-reactivate ang mga accounts.
As I reactivated my facebook, ang mga mensahe ang una kong pinuna. May mensahe galing sa mga kaibigan at dating ka-fling. At base sa pagbabasa ko ng kanilang nga mensahe, nalaman na rin nila na sa probinsya nga ako nagpatuloy sa pag-aaral. Most of them wished for me to come back. Kahit sa bakasyon daw o hindi kaya'y Christmas break.
Sunod-sunod na notification ang natanggap ko dahil nagawa ko na silang replyan isa-isa. Kahit ngang si Chester na huling fling ko ay nireplyan ko. Nabigla ako nang magring ang cellphone ko para sa isang videocall. It was Iris who started the call and our friends joined. A small smile crept in my lips and clicked the answer.
"Oh my God! Rosealie!"
"You still look stunning!"
"Bakit parang mas gumanda ka?"
"Hoy! Labas naman tayo!"
I chuckled at their sudden reaction. Hindi ko na nga alam kung sino ang pakikinggan ko at sasagutin dahil sabay-sabay sila kung magsalita. Pinakalma ko sila at sinabing magkita na lang kami mamaya after ng lunch. Siyempre ang mga gaga, bar agad ang gusto. Wala naman akong magagawa kung majority at ang tagal ko na ring hindi nakakagimik kaya pumayag ako.
I wore a red tube top, faded jeans and black stilletos. Hinatid ako ng driver namin sa bar na tinutukoy ng mga kaibigan ko na bagong tayo lang.
The colorful neon lights, smokes from expensive cigarettes, different kinds of alcohol, and people having a good time stunned me. As I entered the new bar, I saw familiar faces. Tinawag nila ako at saglit na ngumiti. I already saw some of my ex-flings. Nilapitan nila ako at tinanong tungkol sa biglaan kong pagkawala. Of course, I didn't lie about it. Sinabi kong pinag-aaral ako sa probinsiya namin.
Hindi na rin naman nagtagal ang kamustahan at pinakawalan na rin nila ako. I surveyed the place and saw my friends waving at me. They were sitting on a U-shaped seat.
"Dito, Rosealie!" Iris shouted.
Ngumiti ako at mabilis na nilapitan ang table nila. Dahil sa pagkakaexcite nila ay sabay-sabay nila akong niyakap. Panay ang sambit nilang namiss nila ako at marami raw akong dapat ikuwento.
"Tama na 'yan. Nagseselos na ako!" si Iris saka hinila ang palapulsuhan ko at pinaupo sa tabi niya.
Nagtawanan kami sa sinabi ni Iris. She didn't change at all, huh? She's still the same. Selosa pa rin siya pagdating sa akin. Well, Iris is my bestfriend.
BINABASA MO ANG
War of Love (La Suena Series 3)
RomanceRosealie Alcantara, a dainty, daring and gorgeous daughter is living in a city. For some reason, they had to go to her mother's hometown wherein she met the charismatic, hot and ruthless man of the town. Sa hindi malamang dahilan, kinakamuhian niya...