Kabanata 49

1.4K 34 6
                                    

Kabanata 49



Mabilis akong tumayo sa kandungan ni Damiel na may kaba sa dibdib. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng mga oras na 'yon. My friends caught me sitting on Damiel's lap. I don't really know what's on their mind. Alam nilang matagal na akong hindi nagpapaligaw kaya naman ang maabutan nila akong nasa ganoong posisyon ay nakakapagtaka.

"What's with the shock expression, president?" panunuya ni Zoey na siyang ikinatawa ng tatlo.

I swallowed hard and glanced at Damiel who's still sitting on my swivel chair. He bit his lower lip and slowly rose from the seat.

"Hi! Engineer Silverio, right?" si Claire.

Tumango naman si Damiel.

Umupo ang mga kaibigan ko sa malawak na sofa ng opisina ko. They were smiling devilishly at me after glancing at Damiel. Hindi ko kayang mag-angat ng tingin sa kanila sa kahihiyan. Sa kalagitnaan ng panunuya ng mga kaibigan ko ay tumunog ang cellphone ni Damiel.

"Excuse me," marahang niyang sambit bago tumalikod para sagutin. "Yes? Alright,"

Sa sandaling pakikipag-usap ni Damiel sa kanyang katawagan ay panay ang hagikgik ng mga kaibigan ko. Nang matapos na siya sa tawag ay nilingon niya ako.

"Baby, I need to go," and then he planted a feathery kiss on my forehead.

I heard my friends giggled and suppressed their wild reactions.

"T-Take care..." halos ibulong ko na iyon sa takot na marinig ng mga kaibigang malisyosa.

"Excuse me..." aniya sa mga kaibigan ko.

"Okay, pogi!"

"Take care!" si Iris na ginaya ang sinabi ko pero sa mas may landi ang tono.

When Damiel left my office, they laughed so hard as I sat on my swivel chair. Nararamdaman ko pa rin ang init ng mukha ko sa kahihiyan pero pinili kong hindi pansinin ang pang-aasar nila.

"Asus! Halos ibulong na yung 'take care' pero walang hiyang pumatong! Hindot!" humagalpak sila sa komento ni Ava.

"B-Bakit hindi kayo nagsabi na pupunta kayo?" nahihiyang tanong ko habang binubuhay ang laptop.

Nabigla ako nang umupo sa desk ko si Zoey. The playful smile was plastered on her lips.

"Ano iyong nahuli namin? Hmm? Ikaw ah? Anong ginawa niyo?" aniya.

I looked away. "Wala! Hindi naman kayo nagsabi na pupunta kayo! Nakakabigla,"

"Pupunta naman talaga kami para sorpresahin ka kaso sa lobby pa lang naririnig na namin ang usapan tungkol sa kasama mong pumasok," si Claire.

"Tapos pagpunta namin, kami pa ang nasorpresa!" halakhak ni Ava.

Umuusok na ata ang tainga ko sa sobrang kahihiyan. Ganoon ba talaga kalaking bagay sa mga tao ang maabutang magkasama kami? Baka dahil ngayon lang ako nagkaroon ng kasama kaya talagang iisipan ng ibang bagay. Or was it because Damiel?

"Sikat ang dinidate mo, Rosealie. Kaya huwag kang magtaka kung usap-usapan 'yan," si Iris bago sinandal ang katawan sa backrest ng sofa.

"Paano mo nakilala iyon? Saan kayo nagmeet?" usisa ni Ava.

"Kayo na agad?"

Hindi titigil ang pagtatanong nila kung hindi ko sasagutin. Kaibigan ko sila pero kailanman hindi ko nabanggit sa kanila ang tungkol sa bagay na iyon. Every time they ask me if I'm interested to enter a relationship, I always ignore them. Kahit pa ilang beses na nila akong niretuhan, walang pag-aatubli kong tinatanggihan.

War of Love (La Suena Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon