Kabanata 33
"For our next game, tatawag muna ako ng mga manlalaro!" the gay emcee surveyed the crowd.
Many raised their hands to join. Iyon nga lang umiling ang emcee.
"Kayo na naman? Iba naman! Give chance to others!" aniya na natatawa at muling nilibot ng mga mata ang dagat ng tao.
The whole crowd was loud and noisy. They were very excited to participate in the game. Iyon nga lang, those who were raising their hands were still the same people who joined the previous games.
"Ten girls and ten boys! 'Yong mga hindi pa nakakalaro!" the emcee announced.
Pinapanood ko lang sila habang namimili na ang emcee ng mga players. Maingay pa rin ang crowd dahil sa mga gustong-gustong maglaro na hindi napipili.
"Last four!" sambit ng emcee nang makakuha na ng anim na manlalaro.
Busangot ang mukha ko dahil ang ingay ng mga lalaking nasa likod ko. Nag-angat ako ng tingin at saktong dumapo rin ang makahulugang tingin sa akin ng emcee.
"Ikaw! Halika!" sabay turo.
Umawang ang labi ko at bahagyang lumingon sa likod para kumpirmahin ang totoong kinakausap.
"Ikaw ganda! Halika rito!"
Humalakhak ako saka umiling. "Hindi po ako sasali,"
Umiling din siya at nilapitan ako. Bakit ba mapilit ang mga tao ngayon? Una, si Sir Zoren na pinili akong maging representative. Ngayon, itong emcee naman na sinasali ako sa laro? Kung malas-malasin ka nga naman at ako pa lagi ang napagdidiskitahan.
He held my left wrist and dragged me out of the crowd. Dinala niya ako sa gitna kung nasaan nakahilera rin ang mga maglalaro. I would want to reprobate but the emcee was busy looking for last two players. Nanahimik na lang ako at tinanggap na lang na sasali ako sa laro.
"Ikaw! Halika rito, pogi!" ang mahaderang emcee ay bahagyang kumembot bago sumiksik sa dagat ng tao.
Nakatingin lang ako sa mga paa ko dahil ayaw ko talaga ng mga ganito. Iniisip ko kung paano pa tatanggi pero dumaan ang emcee sa harap ko habang hawak ang kamay ni Damiel.
"Here. Dito ka," sambit ng emcee bago pinapwesto si Damiel sa tabi ko.
Wow. This is really great.
"Anyway, before I announce the game and the mechanics, I want to ask why you're here," ani emcee bago tinitigan si Damiel. "Base kasi sa suot mo halatang hindi ka estudyante,"
Nagtilian ang mga babae nang maaninag na nakatayo si Damiel na maglalaro. Naisip ko tuloy na hindi siya makakatanggi since he's used to follow orders. Kaya lang wala naman siya sa trabaho. Hmm... maybe he respects the emcee?
"Ang pogi mo namang sundalo!" the emcee giggled as he touched Damiel's veiny arms.
Pasimple ko iyong nalingon at napalunok na lang. Tahimik lang naman siya at kahit hindi ko nakikita ang ekspresyon ay alam kong kuyom na ang panga niyan. Sino ba namang sundalo ang matutuwa na pinagkakatuwaan siya sa harap ng mga tao? Though, sanay naman siyang makihalubilo ng iba't-ibang tao, iba pa rin ang bagay na ito sa trabaho niya.
"Okay! Pakilabas ang mga upuan at ang mga gagamitin para sa laro!"
May mga naglapag ng sampung upuan at isang basket. Sa basket ay makikitaan mo ng iba't ibang kulay ng scarf. Nakahilera na rin ang mga upuan na may tamang layo.
"So, ganito ang laro natin..." sambit ng emcee bago nilapitan ang babaeng may hawak ng basket. "Uupo ang mga lalaki riyan habang ang mga babae ay maglalagay ng piring sa kanilang mga mata. Kada partners, kailangan makaubos ng dalawang malaking saging ang babae na hawak ng mga lalaki sa bandang gitna ng kanilang magkaparteng hita..."
BINABASA MO ANG
War of Love (La Suena Series 3)
RomanceRosealie Alcantara, a dainty, daring and gorgeous daughter is living in a city. For some reason, they had to go to her mother's hometown wherein she met the charismatic, hot and ruthless man of the town. Sa hindi malamang dahilan, kinakamuhian niya...