Kabanata 28

1K 24 3
                                    

Kabanata 28



Damiel's hair was a bit damp because of sweats. He was clenching his jaw and his thick dark brows made his eyes looked more dangerous and sharper. Nakababa ang dalawang kamay habang ang isa'y nakahawak sa kanyang baril. Rhyss was putting his arm around my neck and Greyson was pointing his gun at me. While, I was here, unable to move because my feet and hands were tied up.

"Hindi alam ng nakatataas ang kahayupang ginagawa mong pagtakas sa base militar pero ikaw ang kumakandidatong aangat sa posisyon sa pagiging kapitan?" umiling-iling si Greyson na parang nadidismaya. "Hindi ba't hindi naman patas iyon?"

"Bago ko bisitahin ang girlfriend ko rito, sinisigurado kong tapos ako sa gawain ko, Greyson," malamig na sabi ni Damiel.

Gusto ko sanang sumabat at paliguan ng mura ang lalaking iyon pero mas pinili kong makinig. I feel like listening because I will be able to hear about Damiel when he's in their base. I want to know what kind of work he's doing or somewhat.

"Talaga, Silverio?" pekeng tumawa si Greyson bago isinuksok ang baril sa tagiliran. Lumapit siya sa mesa at kinuha ang isang sigarilyo saka sinindihan. "Baka nakakalimutan mong ilang beses ka na ring naparusahan dahil sa ginagawa mong pagtakas? Pasalamat ka pa nga't hindi ang nasa tuktok na posisyon ang nakaalam. Kundi..." pinadaan niya ang kaliwang kamao sa kanyang leeg na nagpapahiwatig na kamatayan ang parusa.

Kinagat ko ang labi ko nang matantong hindi madali ang buhay niya sa base militar. I thought everytime he goes to me, he's all done with his works and that's all. Ang hindi ko alam, kada balik niya pala roon, may parusang natatanggap si Damiel dahil sa pagtakas. How insensitive of you, Rosealie? All you think is just your happiness.

"P-Parusa? Anong k-klaseng parusa?" nanginginig ang labi ko.

Nilingon ako ni Greyson saka siya tumawa. "Oh! Hindi alam ng babae mo? Sabagay..." saka niya ako nilapitan at hinaplos ang braso. "Maganda at kutis mayaman-"

"Greyson!" si Damiel.

"Iniisip lang nito ang kasiyahan at ang presensya mo. Bakit nga ba niya kailangan malaman ang ilang paghihirap mo?" mabagal na sambit ni Greyson saka inipit ng labi ang sigarilyo.

"You!" sigaw ko. "Answer my damn question! Anong parusa ang natatanggap ni Damiel?"

His brow shot up as he glanced at me. Bumuga siya ng usok. "Masyadong bata itong girlfriend mo. Mukhang..." saka niya ako tinignan mula ulo hanggang paa. "... sariwa pa-"

Mabilis na humakbang si Damiel para sana lumapit kay Greyson pero ang natitirang dalawang sundalo ay mabilis siyang pinigilan. Napataas pa ng dalawang kamay si Greyson at bahagyang tumawa.

"Kalma, Silverio. Kalma..." aniya at inubos muna ang tawa bago nagpatuloy. "Pinupuri ko lang ang girlfriend mo-"

"Gago! Hindi ko kailangan marinig ang pamumuri mo sa girlfriend ko!" sigaw ni Damiel.

Greyson barked another evil laugh. Humigpit din ang pagkakahapit ng braso ni Rhyss sa leeg ko kaya sinubukan kong lumunok kahit nahihirapan. Gustuhin ko mang puruhan ang lalaking nakahawak sa akin, hindi ko magawa dahil isa sa amin ni Damiel ang mapapahamak.

"Ikaw..." tinuro ako ni Greyson bago siya humila ng upuan. "Gusto mong malaman ang paghihirap nitong gagong 'to?"

"Greyson..." may pagbabanta sa tawag ni Damiel.

Binagsak niya ang sarili niya sa hinilang upuan at ngumuso saka kinunot ang noo na parang nag-iisip. I glanced at Damiel who's glaring at Greyson. Hindi siya makasugod dahil hawak siya ng dalawang lalaki.

"Hmm... Pinakamadaling parusa na 'yong hinampas siya ng kahoy sa likod. Pinakamalalang parusa ang-"

"I said stop it, Greyson!" Damiel's voice thundered.

War of Love (La Suena Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon