Kabanata 40
Pagpasok namin ay may dalawang lalaking bumati na kasing edad niya. Naiwan lang ako sa likod dahil nahiya akong lumapit. Didiretso na sana ako ng biglang may tumawag sa akin. Isa sa mga staff ng indoor shooting range na iyon ang nagtanong sa akin. He asked me if that will be my first time holding a gun, if I have my own gun, and other things related to shooting. Dumalo naman si Damiel para magpaliwanag para sa akin. The way he talked and mentioned about shooting is telling me he'd been years to shooting range. Bukod pa sa pagiging sundalo niya, ito yata ang hobby niya.
We were both given shooting eye protection, ear protection, and tactical gloves.
"Come here,"
Lumapit ako kay Damiel na may hawak ng mga protection tools na iyon. Siya ang naglagay ng eye at ear protection ko saka inabot sa akin ang hindi ko kilalang baril.
Iginiya niya ako sa isang stall na kung saan doon pupwesto. In front of us are the targets. May ginawa pa siya sa baril niya kaya inangat ko ang baril ko. Itinapat ko iyon sa kanya biglaan kaya natawa ako nang mabilis niyang inangat ang magkabilang kamay niya.
"Move and I'll shoot you," sambit ko habang pinipigilan ang tawa.
Bahagyang nagkagulo ang ilang mga naroon dahil sa ginawa ko. May mga nataranta at mukhang iniisip na nababaliw na ako.
"Rose, fucking put the gun down. You're making a scene," mariin niyang sambit na hindi pa rin ibinababa ang kanyang mga kamay.
May mga lalaking staff ang lumapit sa gawi namin. Pinagsabihan ako na mali ang ginagawa ko at hindi pwede ang magbiro ng ganoon sa kahit na sino. Bahagya akong nahiya kaya binaba ko ang baril. Kinausap naman sila ni Damiel at siya na rin ang humingi ng paumanhin sa ginawa ko.
Bumalik siya sa gawi namin na kuyom ang panga. Sumimangot naman ako nang magtagpo ang mga mata namin. Nilampasan niya ako at dinampot ang baril niya.
"Are you mad?" tanong ko habang tinatanaw siya.
Kinasa niya ang baril niya at tinutok sa target. Pumutok ang baril kaya nagulat ako kahit na may ear protection. Nilingon ko ang binaril niya at tinamaan nga iyon nang sakto. Hindi niya ako nilingon at pumwesto sa kaniyang stall.
"Hey, I'm sorry..." sabay hila ko nang bahagya sa dark blue reflex short sleeve polo niya. "I was kidding,"
"Hindi ito ang lugar para magbiro, Rose," malamig niyang sabi nang hindi ako nililingon.
"You think I'll shoot you? That's why you're shocked?"
Muli niyang natamaan ang target. Diretso pa rin ang tingin niya at hindi ako nililingon.
"Hey! I thought the gun was empty," sambit ko at pinakita ang baril.
Doon niya ako nilingon gamit ang nag-aapoy niyang mga mata. "Always assume that the gun is loaded so you can avoid accidents. Every gun has a capability to harm people,"
"Sorry..." I apologized, realizing what he said.
He licked his lips and grabbed my arm. Pinapwesto niya ako sa stall ko habang nasa likuran ko siya. Inalalayan niya ang mga kamay ko habang hawak ang baril na itinapat sa target.
"Never point a gun to people. The possibility of danger is avoided when you point this at safe direction," paalala niya.
"Y-Yeah. I know..." mahina ang sabi ko.
"Good," aniya saka ako binitawan pero nanatili sa likuran ko. "Don't pull the trigger until you already have your target and when you're ready,"
"O-Okay," sambit ko at sinubukang magfocus sa target kahit na panay ang tingin sa akin ng lalaki sa kabilang gilid.
BINABASA MO ANG
War of Love (La Suena Series 3)
RomanceRosealie Alcantara, a dainty, daring and gorgeous daughter is living in a city. For some reason, they had to go to her mother's hometown wherein she met the charismatic, hot and ruthless man of the town. Sa hindi malamang dahilan, kinakamuhian niya...