Kabanata 43

1.1K 19 1
                                    

Kabanata 43



Nakaupo ako sa labas habang hinihintay ang sasabihin ng doktor tungkol sa kalagayan ni Damiel. My hands were trembling as I held my purse. Nakatuon ang mga mata ko sa malamig na tiles ng hospital na iyon habang inaalala ang kababalaghang naganap kanina.

"Nitong mga bandang alas nuebe ng gabi ay nasaksihan ang..."

Pagod akong nag-angat ng tingin sa tv ng hospital dahil sa nabalitaan. The news was talking about the horror in that building. Wala na kami roon nang magsimulang magbalita. Mabilis kasing dumalo ang ambulansiya at ang mga pulis. Sugatan si Damiel kaya inilagay sa stretcher at idiniretso rito.

"Nahuli na ang dating sundalo na si Greyson Vergabera dahil sa kanyang pagnanakaw at pagpatay ng tao. Ito ay sa kadahilanang gumagamit ng ilegal na droga na natagpuan sa kanyang tinitirhan..."

Naipakita sa tv ang mga tauhan ni Greyson na hinuli rin. They were all wounded but not dead. Somehow, seeing them being put in prison cell made me feel the state of tranquility. However, Rhyss Panganiban's presence wasn't seen. Kahit noong nangyayari ang krimen ay hindi ko rin nakita ni anino niya. Sa pagkakaalam ko, magkasabwat sila ni Greyson kaya naman ay kataka-taka na wala siya roon.

Naputol ang pag-iisip ko nang lumabas ang doktor. Nanlalambot pa ako nang tumayo para salubungin ang doktor kaya lang agad ding napaupo nang makita ko ang natatarantang ina at ama ni Damiel.

"Doc... ano p-pong nangyari sa anak ko?" his mother was in a verge of crying.

Napayuko ako sa takot sa kanyang ina. She's mad at me. She doesn't like me. What if she finds out that his son was hurt because of me? Hindi ba't mas lalo lang niya ako kamumuhian?

"Your son is suffering from a hearing loss that caused by the exposure to loud noise," sambit nito. "Specifically, conductive hearing loss,"

I stiffened on my seat. Nanlamig ang katawan ko habang tinitignan ang doktor. I wanted to ask more about his condition but the presence of his mother was stopping me. Saan nga ba ako kumuha ng lakas ng loob para manatili pa rito gayong narito na ang magulang niya? I must go home. There's no such reasons to be here.

"P-Po? Anong ibig sabihin no'n?" tanong ni Amelia Silverio.

"It is a hearing loss due to obstruction in external ear canal directly to cerumen that has a direct effect in it or increase wherein the passage of the sound has been blocked..."

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko matapos kong marinig iyon. Umawang ang labi ko sa pagkabigla at sa kagustuhang magtanong tungkol doon. Gusto kong malaman kung hanggang kailan iyon at paano magagamot. I suddenly feel guilty. Kahit wala naman talaga akong kasalanan at hindi dapat sisihin dahil aksidente ang nangyari, pakiramdam ko may kinalaman pa rin ako.

Natulala ako nang niyakap ni Amelia si Geovanni Silverio saka humagulgol sa dibdib nito. Gusto ko ring maiyak pero parang namanhid ako.

"Doc, magagamot pa ba ang kasong iyan?" kalmadong tanong ni Vanni habang inaalu ang asawa.

Tumango ang doktor. "Conductive hearing loss is curable. Most cases are temporary and can be cured by proper medical treatment. And based on your son's condition, ang pagkawala ng kanyang pandinig ay panandalian lamang. Kinakailangan lang ng maayos na treatment at pahinga..."

"Salamat po, doc..." mangiyak-ngiyak na sabi ni Amelia.

Matapos magpaalam ng doktor ay lumipad ang tingin sa akin ng mag-asawa. Kung kanina ay kinakabahan ako, ngayon mahihimatay na ako sa sobrang nerbyos.

War of Love (La Suena Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon