Kabanata 4

1.5K 40 2
                                    

Kabanata 4



"After fiesta, I will enrol you in a private school here. Hindi man kasing yaman na school katulad sa Maynila, it's still a private," anunsiyo ni tita nang pumasok sa kwarto ko pagkauwi.

I looked at her with my sad face. I need to act. Magpaaawa ako para naman pagbigyan ako sa gusto ko.

"Tita, I don't want to study here." malungkot kong sabi. "Sabihin mo kay papa na magtitino na ako kapag binalik na niya ako sa Maynila,"

Tumitig siya sa akin. "Walang makakapagpabago sa desisyon ni kuya, Rose. Hindi rin maniniwala 'yon na magbabago ka dahil sa away niyo no'ng umuwi kayo rito,"

Pumikit ako at sumandal sa headboard ng kama. I guess this is my fate. Nakatakda na talaga akong manatili rito. Kung pagkaitan ka nga naman ng kasiyahan sa buhay.

"Alam kong sanay ka sa marangyang buhay back when you were in Manila. But, I assure you. Eventually, you'll like here. You'll love to stay here," pangungumbinsi niya.

Sa sumunod na mga araw ay wala akong ginagawa kundi ang matulog at kumain. Kating kati na akong bumalik ng Maynila. I remember Neil, my recent fling in Manila. Inisip ko tuloy kung tinatadtad niya ako ng mensahe dahil sa biglaan kong pagkawala. How I wish I had given a chance to say goodbye or atleast bond with him for the last time.

Naging maayos naman ang ilang linggo ko dahil wala ang mga siraulong utusan ni tita. Hindi ko rin naman talaga alam kung bakit bigla na lang silang nawala. Or they only come here if Tita Esmeralda needs them? Pero base sa huling alaala ko no'ng nakasama ko sila ay aalis sila.

The thought of thinking about the dirty guys made me want to vomit. Why the hell am I thinking about them? They are wasting my time.

Isang hapon ay wala akong magawa. I'd like to sleep and jail myself in my room but I couldn't sleep. Lumabas ako ng kwarto pagkatapos maligo.

"Saan ka pupunta?"

I turned my head to look at her. Hindi naman sa gusto kong tumakas pero naisip ko lang na hindi naman niya ako maaabutan kaya hindi na rin ako nagtangkang magpaalam.

"Mamasyal lang ako, tita," I said cooly as I raised my polaroid camera. "Babalik din po ako. Don't worry,"

Tinagilid niya ang ulo niya at mariin akong tinignan. As if she's doubting me. Tinignan niya pa kung may mga gamit akong dala at kung mayroon nga ay iisipin niyang tatakas ako at maghahanap ng paraan pabalik ng Maynila.

As if I'm going to do that. I admit I had planned to escape. Pero naisip kong hindi ko kayang gawin iyon. First of all, wala akong pera at cellphone to guide myself on how to go back in Manila.

Tumango siya nang mapansing wala naman akong ibang balak kundi ang magliwaliw. Hindi naman niya ako pinaghihigpitan dahil alam niyang nabuburyo na rin ako sa bahay at kailangan ko ring lumabas kahit minsan.

May araw pa rin pagkalabas ko pero hindi na 'yon masakit sa balat. Sinuyod ko ang panibagong daan. Iniwasan ko ang dinaanan ko kung saan dinala ako sa delikadong gubat. Mahirap na at baka kapag nagkita na naman kami ay tuluyan na niya akong patayin. Sino ba kasi siya? Pag-aari ba niya ang gubat at kung tutukan niya ako ng baril ay para akong nag-trespassing?

Somehow, the calm blowing of the wind made me feel at peace. Hawak ang polaroid camera, inangat ko ang tingin ko saka kinuhanan ng litrato ang nagustuhang view. Unlike my last look for a place wherein I ended up being in a forrest, mas nagustuhan ko rito. Natatanaw ko ang dalawang palapag na bahay sa hindi kalayuan. Binilisan ko ang lakad ko. I heard the sound of the crashing waves.

War of Love (La Suena Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon