Kabanata 35
Sa sumunod na araw, hindi na ako makapaghintay na dumating ang subject ni Mr. Zoren. Umagang-umaga pa lang nangangati na ako sa kinauupuan ko. Last subject kasi iyon kaya ilang beses akong tumitingin sa wrist watch ko. I didn't understand the lessons that was taught in the morning. Naglilikot kasi sa utak ko ang plano ko kapag huling klase na.
Napaayos ako ng upo nang matapos ang second to the last na klase. I even lowered my head to check my wrist watch. Mr. Zoren will be here in any minute. Kabado ako dahil nalaman ko sa mga kaklase ko na hindi raw pumasok si Mr. Zoren kahapon. They were happy because the quiz was canceled. Hindi ko alam kasi hindi na rin ako pumasok pagkatapos akong kausapin sa prefect.
Lumipas na ang labinlimang minuto ay wala pa ring professor ang pumapasok. Kaunti na lang ay iisipin ko na talagang hindi ulit siya papasok ngayong araw. Hindi kaya nasisante siya? Pero inamin ko na kahapon na wala kaming relasyon at wala na rin namang ibang sinabi si Ma'am Beth.
I slanted myself to ask Fritz. Iyon nga lang, medyo nabigla ako dahil mukhang nakatitig na siya sa akin kanina pa. I cleared my throat to hide the awkwardness.
"A-Ayos ka lang ba, Rose?" medyo nag-alangan pa niyang sabi.
Tumango ako dahil pakiramdam ko napansin niya ang pagiging balisa ko mula pagkapasok. "Uh, diba hindi pumasok si Mr. Zoren kahapon?"
"Oo, Rose. Bakit?" tanong niya pero nahihimigan ko ng kaunting kaisipan.
"Pero nakita mo siya kahapon? Sa faculty, cafeteria, o kahit saan?"
His brows creased as if he's thinking why I was asking for a professor's whereabouts. Mabait si Fritz pero maiintindihan ko kung naiisip niyang may relasyon nga kaming talaga ng professor namin. He's one of those witnesses about my interaction with Mr. Zoren. Nakikita niya kung paano ako pansinin at ipatawag sa faculty. That's why I understand if he's thinking that I am dating a professor.
"Nakita ko siyang kumain ng lunch sa cafeteria," aniya.
I nodded. "Ganoon ba? Thank you," I felt relieve that the professor wasn't fired.
Umayos na ako ng upo at muling nag-isip ng plano kung paano makakausap ang professor. Hindi man ako sigurado kung hindi nga siya pumapasok sa klase namin dahil sa issue, kailangan ko pa rin siyang makausap nang maayos.
"Rose, uh... gusto ko lang sanang magtanong. Kung... ayos l-lang?"
Nilingon ko ang medyo tensyonadong si Fritz. "Sige. What is it?"
"T-Tungkol sana sa... kumakalat na balita..." he paused and shook his head. "Nevermind. Huwag na lang pala..."
I smiled at him. Mukha na kasi siyang natatakot na magtanong.
"Ayos lang, Fritz. If you think I'm dating our prof then, it's up to you," kibit-balikat ko.
He laughed awkwardly. "Hindi naman sa ganoon, Rosealie. Tinatanong ko lang kasi nagtataka ako..."
"Wala akong relasyon kay Mr. Zoren, Fritz. Nasa sayo na kung maniniwala ka o hindi," saka ako bahagyang ngumiti.
"Naniniwala ako sayo," aniya.
Napatingin ako sa orasan at nakitang patapos na ang huling klase. The bell rang and our classmates were packing their things. Tumayo na rin ako.
BINABASA MO ANG
War of Love (La Suena Series 3)
RomansaRosealie Alcantara, a dainty, daring and gorgeous daughter is living in a city. For some reason, they had to go to her mother's hometown wherein she met the charismatic, hot and ruthless man of the town. Sa hindi malamang dahilan, kinakamuhian niya...