Kabanata 11

1.2K 33 2
                                    

Kabanata 11



Dahil sinamahan ako ni Theo sa pag-enrol, nagpasya rin akong samahan siya nang siya naman ang pumunta roon sa school. Maaga akong nagpaalam kay tita kaya nang umalis ako ay hinayaan niya lang ako.

As usual, the girls flocked to him. Panay ang tawag at papansin nila kay Theo habang ang ilan ay nagtatanong kung sino ang kasama. The other girls were glaring at me like they hated me for being with Theo. Some of them had the audacity to roll their eyes on me. Of course, I'm Rosealie Alcantara. I won't let them treat me like a shit. I crossed my arms as I shot my brow up. Wala rin naman silang sinabi kaya hinayaan ko silang umalis.

"Iba rin talaga mga nagkakagusto sayo 'no? Handang makipag-away kung may iba kang kasama," puna ko nang nagpasya kaming kumain.

Hindi kami kumain sa school dahil sabi niya sa iba na lang at libre niya. Nagulat na lang ako nang pumasok kami sa mamahaling kainan. Hindi naman 'yon kalayuan sa school na papasukan ko.

Oh... May mga ganito rin palang kainan dito sa probinsya?

Nakangiti siyang umiling. "Hayaan mo na. Huwag mo na lang patulan,"

Nagpatuloy kami sa pagkain at aminadong nag-eenjoy ako kapag kasama ko siya. Theo is a nice guy. Idagdag mo pa na gwapo siya. Kaya hindi ko talaga masisisi kung bakit andami ring nagkakandarapa sa kanya.

"Nga pala, Rose," aniya. "Pasensya ka na kung tricycle lang ang sinasakyan natin. Hindi ko rin magamit ang wrangler dahil palaging dala ni kuya,"

Well, alam kong maarte ako pero kapag kasama ko si Theo parang ayos lang lahat. Hindi ako sumasakay ng ganoon dahil naiirita ako sa ingay. Isa pa, it looks cheap. Pero dahil mabait si Theo sa akin ay nakikisama ako.

"Hayaan mo. Kapag nariyan ang wrangler isasakay kita,"

Isa pa 'yan. Wrangler. Wala na bang ibang sasakyan dito kundi tricycle at wrangler?

"Ayos lang, Theo. Kapag nagsimula na ang klase, dumaan ka sa bahay at isasabay na kita sa kotse,"

Agad siyang umiling. "Hindi ako sanay. I mean, nakakahiya. Kung ganoon, magkita na lang siguro tayo sa school,"

Nagkibit balikat na lang ako dahil ayaw ko nang maranasang sumakay sa mga ganoong klaseng sasakyan. Kung may taxi lang, mas okay sana. Pero dahil sa malubak ang daan at medyo may kasikipan, parang hindi napahintulutan na mamasada ang taxi.

Excuse me? Isang Alcantara sasakay ng tricycle at wrangler? Kahihiyan 'yon!

Kung makareklamo ka naman parang hindi ka nakasakay sa mga 'yan. Well, wala lang talagang choice.

Dumaan na ang ilang linggo at nagsimula na rin ang klase. It was all okay for me. The rooms were airconditioned and neat. Private school naman 'to pero mas eksklusibo at masyadong mahal ang mga paaralan sa Maynila'ng napasukan ko.

"Hi!"

Kumakain akong mag-isa sa isang mamahaling kainan tapat lang ng eskwelahan. Hindi ko kasabay si Theo dahil sabi niya sa akin ay magiging abala siya sa oras ng break time ko. Kaya ngayon nandito lang akong kumakain mag-isa.

The man who greeted me sat in front of me. A smile is plastered on his face. Gwapo siya pero wala akong panahon para i-entertain siya.

War of Love (La Suena Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon