Kabanata 44

1.1K 24 1
                                    

Kabanata 44



Tinitignan ko ang repleksiyon ko sa salamin habang nagsusuot ng round earrings. Pinili ko na lang ang white top, blue and floral mini skirt na sinamahan ng manipis at itim na belt para sa gimik ngayong gabi. Bahagya ko ring kinulot ang dulo ng buhok ko at nagsuot ng necklace. Sandali akong napatingin sa daliri ko kung saan suot pa rin ang singsing na bigay ni Damiel. Ngayon lang ako lalabas para gumimik at kahit na sakto naman iyon sa daliri ko, natatakot pa rin akong mawala iyon.

I sighed and took out the ring. Pansamantala kong inilapag iyon sa harap ko saka inalis ang necklace. I put the ring as a pendant on my necklace. Muli akong tumingin sa salamin at tinignan ang ayos nito.

"This is fine..." I whispered and grabbed my black purse.

Nasa sasakyan na ako nang panay ang tawag ni Iris. A bit annoyed, I clicked the loudspeak.

"Where the hell are you? Sinasabi ko na nga ba! Dapat sumama na lang ako sa condo mo!" pasigaw niyang sabi dahil sa ingay sa bar.

"Chill. On the way na ako!" natatawa kong sabi bago binaba ang tawag.

Somehow, I felt so excited. Hindi ko alam pero baka ngayon lang ulit ako sasama gumimik kasama ang mga kaibigan. I've been so much busy being a president.

"Oh my God! Akala namin hindi ka darating!" puna ni Zoey nang makalapit sa table nila.

"Si Iris?" tanong ko nang mapansing wala siya roon.

Ava was beside her boyfriend. Kinawayan lang niya ako at kinindatan pagkatapos ay nakipaglandian na sa nobyo niya. On the other side, panay naman ang lagok ni Claire. Balita ko nga kay Iris broken hearted daw ito.

"Ah! Nariyan lang 'yan! Baka nakikipagsayawan na. Alam mo na, kanina pa 'yon dito kaya baka lasing na," halakhak ni Zoey.

For a while, I let my eyes surveyed the dancefloor. Hindi nga lang ako nagtangkang humalo roon para hagilapin ang kaibigan. For sure, babalik din iyon dito kapag naalala ako.

"Busy ka raw, ah? Himala na sumama ka ngayon," natatawang sambit ni Claire.

Zoey handed me a glass of whiskey. I mouthed 'thank you' and accepted it. I took a sip before I turned to Claire.

"Kinulit ako ni Iris. Pumayag na lang ako dahil baka araw-arawin pa ang pagbisita sa opisina ko para roon," I reasoned out.

"How's the company?" singit ni Ava habang nakakapit sa braso ng boyfriend.

"Fine," sagot ko. "I was quiet busy last week. Medyo may mga errors kasi iyong ilang pinasang dokumento kaya halos mag-overtime ako para maayos iyon,"

They all chuckled. "Iba na ang seryoso sa buhay!" Zoey blurted out.

Nagpatuloy pa ang kwentuhan namin nang dumating si Iris. Namumula na ang mga pisngi niya at halatang lasing na nga.

"I thought you would ditch us!" aniya saka tumabi sa akin. "Kanina ka pa?"

Pabiro ko siyang inirapan. "Oo. Hinahanap nga kita,"

She smirked. "Halika sa dancefloor! Hanapan kita ng boylet!"

"Iris!" saway ko nang biglaan niya akong hinila palayo sa mga kaibigan namin.

"Hey! Maawa ka naman sa bulaklak mo! Kailan ba huling dilig niyan?" natatawang tanong niya.

I made a face when she shamelessly danced in front of me. Dahil sa reaksiyon ko, pakiramdam ko tuloy para akong baguhan sa ganitong aspeto.

"Masyado akong abala sa trabaho para magpadilig, Iris. Huwag mo akong itulad sa kaharutan mo," I chuckled.

Akmang babalik na ako sa table namin nang harangin ako ng isang mestizong lalaki. At first, I was shocked. Lalo na nang sumayaw siya sa harap ko at ang tanging ginawa ko lang ay ang panoorin siya. I was about to call my friend pero pagtingin ko sa likuran ko naroon na siya at may kasayawan nang lalaki.

War of Love (La Suena Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon