Kabanata 5
Pagkapasok sa bahay ay iginala ko ang mata ko sa loob. Ang mga upuan sa sala ay gawa sa kawayan at may maliit na mesa. Sa tapat ay ang saktong laki ng telebisyon.
"Upo ka," aniya saka inilahad sa akin ang mahabang kawayang upuan. "Kukuha lang ako ng meryenda,"
Pagkaalis niya ay tinignan kong muli ang loob ng bahay. Sa kaliwang banda ko ay ang malaking bukas na bintana. The blue curtains danced as the wind blew. Nahipan ang mukha ko kaya sumabog ang buhok ko. Inayos ko iyon at inipit sa likod ng tainga. Though, their house is not big and their furnitures are not expensive as ours, it looks simple and neat.
Naguilty tuloy ako sa panghuhusga ko sa utak ko. Akala ko kasi ang mga bahay sa ganitong mga lugar ay talagang sukdulan sa kahirapan.
"Pasensya ka na sa bahay namin. Hindi katulad ng bahay ninyo,"
Dumating si Theo dala ang meryenda saka umupo sa tabi ko. Naglapag din siya ng orange juice.
"Ayos naman ang bahay niyo, Theo," komento ko. "Sakto lang para sa inyong tatlo ng magulang mo at saka malinis tignan,"
Kumuha siya ng tinapay at inabot sa akin. Tinanggap ko iyon at kinagatan habang nakatingin sa kanya.
"Apat kami rito" aniya.
Nginuya kong mabuti ang kinakain bago nagsalita.
"Sino pa ang kasama niyo rito?" tanong ko.
Inayos niya ang upo niya. He leaned on the backrest while legs were wide apart.
"Si kuya" aniya. "Kaso madalas namang wala iyon dito dahil masyadong abala,"
Tumango-tango ako at hindi na nagtanong pa dahil baka isipin niyang balak kong alamin ang family background niya.
"Theo, pakikuha-"
Sabay kaming lumingon sa pinto kung saan ang tingin ko ay ama niya dahil hindi nagkakalayo ang kulay, katawan, at itsura nila. Nakasuot siya ng mahabang damit, maong short, at may nakapatong na bimpo sa balikat.
"Papa," tawag ni Theo saka siya tumayo.
Napalingon sa akin ang papa niya gamit ang kuryosong mga mata.
"Kaibigan ko nga pala, si Rose," pagpapakilala niya kaya tumayo ako. "Rose, papa ko,"
Bahagya akong ngumiti. "Magandang hapon po,"
Tumango siya at ngumiti rin. "Ikuha mo ng makakain ang kaibigan mo, Theo,"
Nilingon ako ni Theo. "Ano? Gusto mo pa ba o busog ka na?"
I smiled a bit and shook my head. "I'm full,"
Tumango siya. "Dito ka muna at tutulungan ko lang si papa sa labas,"
"Sure," sambit ko.
Nakakita ako ng mga picture frame sa gilid ng telebisyon. Curiously, I went there to look at them. Mayroong picture ng mama at papa niya noong kinasal. Ang kabila naman ay tingin ko si Theo at ang kuya niya. I think he's four that time while her brother was eight. Dinampot ko ang larawan at tinignang maigi. Bakit parang pamilyar ang mukha ng kuya niya?
"Hija," ang papa ni Theo. "Gusto mo bang maghapunan dito?"
Maingat kong ibinalik ang larawan sa tamang pwesto at nilingon siya saka magalang na umiling.
"Hindi na po. Kailangan ko na rin po kasing umuwi dahil paniguradong hinahanap na ako ng tita ko," paliwanag ko.
"Ganoon ba?" aniya. "Sasabihin ko na lang kay Theo na ihatid ka dahil dumidilim na at delikado ang daan,"
BINABASA MO ANG
War of Love (La Suena Series 3)
Roman d'amourRosealie Alcantara, a dainty, daring and gorgeous daughter is living in a city. For some reason, they had to go to her mother's hometown wherein she met the charismatic, hot and ruthless man of the town. Sa hindi malamang dahilan, kinakamuhian niya...