Kabanata 38

1.1K 30 4
                                    

Kabanata 38



Lumipas na ang ilang minuto at kanina pa ako paikot-ikot sa papag niya. I'm not certain if it was because of the small and narrow bed. Inangat ko ang kamay ko at tinitigan ang singsing na binigay niya. Somehow, I feel so light. Parang buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang pagiging kalmado. Staring at this ring made my heart ache because of too much joy. I managed to slant myself and watched him sleeping on the bamboo floor. May banig naman doon pero pakiramdam ko hindi ako makakatulog sa ganoong sitwasyon. Dito ngang sa papag hindi na ako napapakali.

Nakatihaya siya at pikit ang mga mata. I smiled when I noticed how gorgeous he is as a man. He's really attractive even when he's serious. The thought of him marrying me is just so dreamy. Parang ang hirap abutin at hanggang pangarap ka lang. He's a respective soldier who protects the country. Ang isiping pakasalan ka ay ibang usapan na.

Tinukod ko ang kanang kamay ko sa kawayang sahig saka siya pinanood na natutulog.

Then, why did he give me a ring? Ganoon ba talaga niya ako kamahal? Is he planning to marry me?

"Sleep, Rosealie. Stop staring," he said without opening his eyes.

Halos mabuwal ako nang mataranta sa boses niya. Muntikan pa akong dumagan sa katawan niya dahil sa gulat ko. Mabilis akong nakabalik sa higaan nang kinakabahan pa rin. I thought he's asleep.

Hinawakan ko ang dibdib ko sa kaba at kinalma ang sarili. Tumikhim ako at nanatili ang mga mata sa kisame.

"D-Damiel..." marahang tawag ko.

"Don't be stubborn. Sleep," mariin niyang sabi.

Ang sungit naman nito! Kani-kanina lang ayos naman kami. Ang bilis namang magbago ng mood.

"Sabi mo mag-uusap t-tayo?" I said in a low voice.

Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya. He looked so out of place in his situation. Sabagay, ang laking tao nga naman niya kung magtatabi kami rito sa makipot na higaan. Siguro naawa lang din sa akin kaya ako ang pinahiga sa papag.

"Damiel..." pangungulit ko.

"Rose, tigas ng ulo mo. Matulog ka na at maaga kitang ihahatid sa inyo," iritadong sambit niya nang hindi idinidilat ang mga mata.

Ngumuso ako. "Galit ka ba?"

There! I pouted when he opened his eyes. Suplado niya akong tinignan na parang iniistorbo ko siya sa pagtulog.

"Galit ka?" tanong ko ulit pero sa mas malambing na boses.

Pinikit niya ang mga mata niya. "Hindi. Matulog ka na riyan."

Ngumuso ako sa naisip na kalokohan. Bumangon ako saka ako umupo sa tabi niyang nakahiga. I hugged my knees as I watched him trying to sleep.

"Weh? Galit ka, e!" sambit ko sabay tusok sa tagiliran niya.

Hindi pa rin siya dumidilat kaya nagpatuloy ako sa panggugulo.

"Galit ka diba? Hindi mo naman ako iignorahin kung hindi,"

I sighed and gave up when I realized he has to sleep because he's tired from his work.

"Okay. Sabi ko nga matutulog na ako-"

I was about to crawl on my bed when he grabbed my left arm making me lay down beside him. Pinulupot niya ang braso niya sa akin nang tumama ang mukha ko sa mabangong dibdib niya. I could feel his normal breathing on my hair.

War of Love (La Suena Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon