Kabanata 8
Nilublob ko ang katawan ko sa bathtub. Bumuga ako ng hangin saka inalala ang pakikipagkamay niya sa akin kanina. It was the same large and rough hand I felt when he held my leg to check the wound on my knee.
Ganoon ba niya ako tignan dahil nakilala niya ako? Ang babaeng tinutukan niya ng baril sa gubat?
Suot ng isang pulang ribbon top, ripped jeans at isang pares ng itim na ankle boots ay sinuyod ko ang baba para hanapin si Tita Esmeralda. Ngayon, ang mga kasambahay ay naglilinis at nagliligpit na dahil tapos na ang pakain ni tita dito sa bahay.
Gaya ng narinig ko sa bisita, pagkadating ng alas sais ay magsisimula na ang contest sa bayan. Hinihintay ko lang si tita na matapos mag-ayos at tutulak na kami para manood doon.
"Tapos na ba mag-ayos si tita?" tanong ko sa kabababa lang na kasambahay.
Nilingon niya ako at tumigil sa paglalakad. "Hindi pa, ma'am,"
Hindi ko na siya sinagot at tumayo na saka inakyat ang kwarto niya. I caught her putting on her round pearl earrings in front of her mirror. Our eyes met at the reflection kaya niya ako nilingon.
"Oh! Hindi ka pa umaalis?" tanong niya sakin saka muling hinarap ang salamin.
"Huh?" takang sabi ko. "I was waiting for you, tita,"
"Bakit mo ako hinihintay? Wala ang Chevrolet ko dahil nagpaalam sa akin si Arnaldo'ng hihiramin muna niya," aniya nang matapos sa paglalagay ng hikaw.
Nagsalubong ang kilay ko at binagsak ang pang-upo sa malambot na kama niya. "Pinahiram? Anong sasakyan natin?" I asked, worriedly. "Gosh, tita! Don't tell me we'll walk-"
"Rose, may inutos ako kay Arnaldo kaya pinahiram ko ang sasakyan ko. Isa pa, hindi tayo maglalakad dahil may kalayuan ang bayan dito," banayad niyang sabi.
Umirap ako. "Kaya nga po ako nagtatanong kung anong sasakyan natin,"
"Hay!" sinapo niya ang noo niya. "Hindi ko nasabi sayo na sasabay ako kina Mayor Jun sa SUV nila,"
I stood up and went towards the door. "I saw a black SUV outside. Let's go, tita. Baka kanina pa sila naghihintay,"
"Alright," aniya saka kami sabay na lumabas ng kwarto niya.
Pagbaba namin ay halos patapos na ang mga kasambahay sa paglilinis. Nilagpasan lang namin sila at dumiretso na sa labas.
"Oh, Esmeralda. Saan sasakay ang pamangkin mo? Puno na tayo rito,"
Napatingin ako kay Vice Mayor Sylvia. Umiinit na ang ulo ko. Ano na naman ba ito?
Tita chuckled. "Ipapasabay ko na lang 'to, Sylvia. Huwag niyo nang alalahanin,"
What? Saan ako sasabay? Sa mga hindi ko kilala?
"Nako! Sayang naman," tunog nanghihinayang siya. "Kung sana ay hindi pa nakakaalis si Bradley, doon ko na lang sana ipapasabay si Rose. Nauna na kasi 'yon at umuwi muna,"
Isang lalaki ang sumulpot galing sa labas kaya pare-pareho kaming napalingon doon. Isang beses siyang sumulyap sa akin bago bahagyang yumuko bilang paggalang kina mayor.
"Damiel! Hindi ka pa nakakaalis?" si Mayor Jun na ngayon ay humalukipkip.
"Uh, Mayor..." si tita. "Sa kanya ko kasi ipapasabay itong si Rose since puno na nga ang SUV,"
My mouth ran dry as I immediately glanced at tita. I tilted my head a bit to see her.
"Tita," mariing bulong ko. "What the fuck is this?"
BINABASA MO ANG
War of Love (La Suena Series 3)
Roman d'amourRosealie Alcantara, a dainty, daring and gorgeous daughter is living in a city. For some reason, they had to go to her mother's hometown wherein she met the charismatic, hot and ruthless man of the town. Sa hindi malamang dahilan, kinakamuhian niya...