Kabanata 34

1.1K 33 2
                                    

Kabanata 34



Pagdatingy ng Lunes ay ako ang laman ng usap-usapan ng buong school. Pagpasok ko palang ay dumapo na ang mapanuring mga mata ng mga estudyante. Lunch break no'n ay nagpasya akong pumunta ng comfort room. Sinadya kong magtagal doon dahil alam ko namang malalaman ko ang isyu ko kapag may narinig akong nag-usap. Hindi nga ako nagkamali. Hindi pa ako naglilimang minuto sa dulong cubicle nang makarinig na ako ng tunog ng mga papasok.

"Nako! Marami naman na talagang issue 'yang babaeng 'yan. Tanda mo noon? Tinuhog daw niya ang magkapatid na Silverio?"

"Magkaibigan lang daw sila ni Thaddeus ah?"

"Oo pero kumalat na rin noon na boyfriend daw niya si Damiel. Madalas ko ngang makita iyong hinihintay sa labas pagkauwian,"

Ngumuso ako dahil hindi ko pa rin naririnig kung ano ang bagong issue sa akin ngayon.

"Tapos ngayon, si Sir Zoren naman? Baka nilandi niya iyon kasi hiwalay na sila ni Damiel?"

"Halatang mahilig sa mga gwapong mas matanda sa kanya,"

"Sugar daddy?" sabay tawa.

Pumikit ako nang mariin sa narinig. I didn't see this coming. Naisip kong maiisyu ako dahil sa pagtanggap ng bulaklak pero ang umabot sa pagiging malandi at pagkakaroon ng sugar daddy? This people really love to hear different stories from other people. Hindi man lang nila tanungin ang mga involved sa issue. Basta na lang magkaroon ng topic na mapag-uusapan.

Well, sino nga ba namang maglalakas loob na makipag-usap sa mga na-issue?

The next day, I was bored in my morning class when someone called my name. Pinapatawag raw ako sa Prefect of Discipline. Nalilito man ay sumama na lang ako. Buong paglalakad papunta roon ay iniisip ko kung may ginawa ba akong mali. I didn't cause any scene nor bullied someone. So, bakit ako pinapatawag?

"So, you're Rosealie Alcantara?"

I nodded. "Yes, ma'am,"

Inangat niya ang salamin niyang nahuhulog na saka itinuro ang kaharap na upuan. "Have a seat,"

Marahan akong umupo at tinignan ang head ng POD na kunot ang noo.

"Bakit po ako pinatawag?" tanong ko.

I should be inside our room for another subject but why am I here?

"You don't know or are you playing games?"

My mouth dropped along with my shocked expression. Playing games? Ni hindi ko nga alam kung bakit ako pinatawag tapos aakusahan akong nagmamaang-maangan? Anong klaseng sistema mayroon ang paaralang ito? The head of the POD must at least explain to the student first the reason why he or she is called. Hindi iyong sila pa ang galit na naroon ka. In fact, hindi mo rin namang ginusto na magpunta roon.

"Ah..." I faked a smile. "You must first explain to me the reason why I'm here before telling me something-"

Hinampas niya ang mesa kaya natigil ako at napapikit. Inalis niya ang reading glass niya at tinapunan ako ng nag-aapoy na mga tingin.

"Ikaw! Estudyante ka palang kaya wala kang karapatan para sabihan ako ng ganyan! Alam ko ang ginagawa ko-"

"Ma'am, nirerespeto ko po kayo pero hindi niyo po ako pwedeng sabihan ng kung ano agad nang hindi naipapaliwanag ang tunay ng rason kung bakit ako narito," I tried to sound respectful but my tone rose.

She chuckled and stood up. "Hindi talaga ako naniniwalang hindi mo alam kung bakit ka narito. Ano? Sumama ka lang rito para magmaang-maangan?"

War of Love (La Suena Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon