Kabanata 41

1.1K 23 2
                                    

Kabanata 41



My mind is already aching from thinking about my Papa's perception on this issue. He doesn't want Damiel being a soldier. Tingin niya kasi ang pagkakaroon ng boyfriend na ganoon ang trabaho ay walang ibang maidudulot kundi ang kapahamakan. Soldier is a great job and that's a fact. Iyon nga lang, being in this career will bring happiness and sadness. Masaya dahil may natutulungang bayan at mga tao pero kakambal ng kasiyahan nila ay ang kapahamakan rin ng kabilang grupo.

Ang pagiging sundalo ay nangangailangan ng lakas ng loob, pagiging mapanuri, at katalinuhan. It requires braveness to fight for the rights. This job requires the soldiers to be at least willing to take the risks without hesitation. They have to follow the orders and do what is needed to. Kaya hindi ko lubos maisip na ganoon kababaw ang tingin ni papa sa larangan ng pagiging sundalo.

Soldiers are risking their lives in order to help the country as well as the people. It's not right to just look down on them. Buhay ang tinataya nila roon at mas pinipiling protektahan ang ibang tao kesa sa sarili nila at sa mismong pamilya.

"At tinuturuan ka kung paano humawak ng baril sa shooting range? Tinuturuan ka ng bastardong iyon kung paano pumatay ng tao, ganoon ba?!"

"It was my idea to go there, papa!" frustrated kong sigaw. "At hindi niya ako sinama roon para matutong manakit ng ibang tao!"

Tumawa si papa sa sinabi ko kahit wala namang dapat na ikatuwa roon.

"E, ano palang ginawa niyo roon? Wala lang? Hawak lang ng baril? Harutan? Playtime?"

Nagkikiskisan na ang mga ngipin ko sa sobrang frustration. Papa is losing his damn narrow mind!

"You're ridiculous, papa! I cannot believe you! Ganoon ba talaga kababaw ang tingin mo sa mga katulad niya? Na humahawak sila ng baril kasi gusto lang nilang pumatay? Trip lang nila?" I gulped while sobbing. "Playtime?" I said, mocking him.

Matalim ang tingin niya sa akin. "At ganito rin kababaw ang tingin mo sa akin bilang isang ama? Na ginagawa ko ito dahil lang sa wala lang?"

Hindi ako nagsalita nang tumigil siya. Alam kong may sasabihin pa siya kaya tumingin lang ako sa kanya.

"You're my daughter, Rosealie. My one and only daughter. Your mom died after giving birth to you. Ikaw na lang ang natitira sa akin kaya lahat ginagawa ko para hindi ka masaktan..."

Mas lumakas ang iyak ko nang pumiyok ang boses niya. Naramdaman ko ang sakit ng pagkawala ni mama matapos ang panganganak. It was very painful for my father when she lost her.

"Papa, let him stay in military. He wants it..." pangungumbinsi ko kinaumagahan.

Padarag niyang ibinaba ang kutsara at pansamantalang natigil sa pagkain.

"Nagkasundo na kami tungkol sa bagay na iyan, Rosealie. He's already working on his resignation papers-"

Parang nagpantig ang tainga ko roon dahilan para mahampas ko ang mesa. My spoon fell on the floor and made a noise but I didn't care about it.

"Papa! You're being crazy and selfish! Tingin mo ginagawa niya iyon kasi gusto niya? No! He's doing that because you told him!"

Maagap siyang tumayo sa sobrang galit at dinuro-duro ako.

"Huwag mo akong masigaw-sigawan nang ganiyan at tatay mo ako!" parang kulog ang boses niya. "Hindi ko siya minamanipula! Siya ang may gusto no'n!"

"Kuya! Rose! Ano ba! Nasa harap tayo ng pagkain! Kaunting respeto naman! Hindi ba makakapaghintay 'yang away?!" saway ni tita.

War of Love (La Suena Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon