Kabanata 26
Balik na naman ako sa normal na buhay dahil hindi na nagtagal at umalis na rin si Damiel. Everytime I close my eyes, I still remember that hot afternoon inside the nipa hut. We really did it and it feels so surreal. Kaya madalas napupuyat ako dahil kada pipikit ako ganoon ang naalala ko. Ang ending, inuulit-ulit ko pa sa utak ko ang nangyari.
"Talagang hindi mo tinanggap ang sinabi ko at inuna mo ang kalandian mo, ano?"
Kalalabas ko lang ng cubicle at nakaharap sa salamin. I was doing some retouch before going to my next class when Mariah went out of the last cubicle. She was facing the large mirror, too and did her make up. Sinulyapan ko siya bago nagpatuloy sa ginagawa.
"You're still crazy over my boyfriend, Mariah?" maarteng sabi ko.
Napansin ko ang paglingon niya sa sinabi ko pero agad ding nagpatuloy sa kanyang make up.
"That's not the thing, Rosealie," malamig niyang sabi. "Pinapaalalahanan lang kita dahil kapag nagpatuloy ang sitwasyon niyo ay may mapapahamak,"
Maingay kong isinara ang face powder ko dahilan para lingunin niya ako. I remained looking at my reflection.
"Do you think I'll believe you? Do you think I'm scared?" untag ko saka ako humalukipkip at humarap sa kanya.
She turned to me and stopped doing her make up. She smirked and sarcastically barked a laughter.
"Ikaw ang bahala..." nagkibit-balikat siya saka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Para bang base sa pamumuna niya ay hinuhusgahan na niya ako. "Hindi ko alam na pumapatol pala sa bata si Damiel,"
Parang may kung anong kumalabit sa akin at halos marindi ako sa sinabi niya. What did she say? Bata?
"Excuse me?" mataray kong sabi. "Baka nakakalimutan mong isa o dalawang taon lang ang agwat nating dalawa?"
Nalaglag ang panga niya at iniwas ang tingin sa akin. Humarap ulit siya sa salamin at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Wait," sambit ko saka ko isinuksok sa bag ang face powder na hawak. "Pinatulan ka nga ba ni Damiel?"
Natigilan siya sa sinabi ko. She froze and stopped again doing her thing. Oh! Nagyayabang ang isang mahaderang hindi pinatulan. Paano ko tatanggapin ang sinasabi mo, Mariah? Hmm?
I faked a laugh and smirked at her. "Nagsayang na naman ako ng ilang minuto sa pakikipag-usap sa tulad mo,"
"Hindi pumapatol sa bata si Damiel! Nasisiguro kong pinaglalaruan ka lang niya!" agap niya.
Sarkastiko lang akong tumawa bago ko siya tinalikuran at iniwan sa restroom na iyon.
"Kamusta ka na riyan, Rose? Balita sa akin ni Esmeralda na maganda raw ang grado mo," si papa na isang gabi ay tumawag kay tita.
Sinulyapan ko si tita at isang tipid na ngiti ang iginawad niya sa akin. Sinuklian ko iyon bago sinagot si papa.
"Yes, papa!" masiglang sabi ko. "Do you still hate your daughter?" natatawang sabi ko.
He heartily laughed. "I don't hate you, dear. It's just that you were almost throwing your money and very stubborn,"
"Nagbago na ako, papa," natatawa pa rin ako. Sinulyapan ko si tita na nasa pintuan. Nakatingin at nakahalukipkip.
"I guess so," aniya. "Mukhang kukunin kita riyan bago sumapit ang pasko,"
I shifted on my seat. "Ano po, papa?"
Bahagya akong dinalaw ng kaba sa huling sinabi niya. Narinig ko ang tawa ni papa sa kabilang linya.
"Oh, bakit parang ayaw mo?" pinigilan niya ang tawa niya. "Parang kailan lang halos gustuhin mong lumipad papunta rito tapos ngayon..."
BINABASA MO ANG
War of Love (La Suena Series 3)
RomanceRosealie Alcantara, a dainty, daring and gorgeous daughter is living in a city. For some reason, they had to go to her mother's hometown wherein she met the charismatic, hot and ruthless man of the town. Sa hindi malamang dahilan, kinakamuhian niya...