CHAPTER 2
Kusang dumilat si Courtney nang maramdaman ang magkahalo-halong init, ingay at baho ng buong kapaligiran. Pagdilat niya'y kulang na lang ay manginig sa takot dahil hindi niya alam ang gagawin.
Her mind closed, she can't process an idea on her head how to get out of this stuffy, dark and exhausted place! Hindi ito ang lugar na para sa kanya, at mas lalong hindi niya kayang isipin na dito siya malalagutan ng hininga!
"Oh, gising na ang prinsesa," pagbibiro ng isa sa mga dumukot sa kanya. Mga anim sila sa kuwartong iyon, kasama na roon ang dalawang tao kanina.
Sabi naman ng isa, "Kamusta tulog mo? Masarap ba?"
"Pare, baka gusto mo, tikman muna natin habang wala si Boss! Hahaha!" Sabay humagikhik ng tawa ang isa pa.
Sumangayon ang lahat maliban sa dalawang dumukot sa kanya. Isa-isang lumapit ang apat na lalaki kay Courtney, marahang hinahaplos ang iilang parte ng kanyang katawan - ang isa'y sa braso, sa leeg, meron ding nakahawak sa kanyang mga paa upang pigilan ang kanyang pagpupumiglas, and finally, on her flawlessly white and creamy thigh which she got from her mother.
"Aaaaah! Bitawan niyo ako! Mga bastos!"
Parang walang narinig ang mga ito. Habang nangyayari ang karumaldumal na bagay na iyon ay napaisip siya. Kung hindi siya pumasok sa loob ng apparel na iyon, malamang, hindi siya napag-tripang holdapin at kunin ng apat na manyakis na ito.
I wish I could turn back the time! She thought. Sana nga, Courtney.
"Pakawalan niyo ako, please! Get off me here!" Courtney begged.
"Nagsasayang ka lang ng laway, Miss. Kahit magsisigaw ka pa, walang makakarinig sa 'yo!"
"Mga pare, parang may paparating," anang kasama nila na medyo matalas ang pandinig.
Sandaling tumigil sila sa kabastusang ginagawa at nanahimik. Pinakinggan nilang mabuti ang malalaking hakbang na kanilang naririnig. Patagal nang patagal, palakas iyon nang palakas.
"Si Boss," sabi ng lalaking pinakamaliit sa kanilang apat.
Nagsi-ayos ang mga ito na tila walang ginawa kay Courtney. Bilin kasi ng amo nila na huwag sasaktan o gagalawin ang dalaga.
Meanwhile, Courtney was curious and confused at the same time. Sino ba kasing poncio pilato ang mastermind sa pagholdap at pagdukot sa kanya? Wala siyang maiturong tao dahil hindi naman ito palaaway, liban na lang sa nangyaring commercial disaster kanina. Imposibleng si Direk Poochie 'yon, sobrang babaw ng dahilan para gawin ito.
Ilang segundo ang lumipas bago bumukas ang pintuan. Iniluwa nito ang isang babaeng matangkad, sexy, sopistikada, mayaman, at higit sa lahat...
Maganda. Ito ang katangiang yumanig kay Courtney. If only she can rub her eyes, she'll do.
"Finally, you're here, Miss del Valle," anito.
Bakit kilala siya ng babaeng ito? Matagal na bang may nagmamanman sa kanya? At kung gayon, ibig sabihin ba'y matagal na rin niyang pinlanong makuha siya?
Halos hindi makapaniwala ang dalaga sa nakikita ngayon, kung kaya't tinanong niya ito. "Bakit kamukha kita?"
Alam niyo kung anong sinukli ng babae? Isang malutong at malakas na tawa. "Hahaha! Obviously, we're related with each other?" tugon nito, parang hindi sigurado sa sagot.
Ano 'to, lokohan? Wala akong kakambal!
"Pinagloloko mo ba 'ko? Don't tell me kakambal kita? Hoy, para sabihin ko sa 'yo, kahit kailan hindi naging pabaya ang mga magulang ko. Kung kakambal nga kita, eh di sana matagal na kitang kilala!" Realistic na banat ni Courtney. Somehow, she has a point.
BINABASA MO ANG
The Impostor Bride (Billionaire's Slave Series 1)
General FictionI'm Courtney del Valle, anak ng former beauty queen at may-ari ng kilalang magazine company sa buong Pilipinas. I have all precious things in this world - money, attention and family. Finding someone to love isn't my priority yet, since I have my ow...