Courtney's POV
"I'm glad that you're finally back," Edward says as he opened the door for me.
Nakabusangot kong hinarap ang realidad ng nangyari sa 'kin ngayon. Yesterday, I spent the rest of the day with my family. Now, I kidnapped, married and have sex with my husband - I mean, Cindy's husband rather.
Hindi lang doon nagtatapos ang bangungot na 'to dahil simula ngayon, dito na ako titira kasama si Edward. Wala pa 'kong isang araw dito ngunit nararamdaman kong hindi na magpapakita pa si Cindy.
We all know, that woman is my only chance to escape this madness. Kung bakit kasi naging magkamukha kami, eh. At sa dinami-rami ng babae sa mundo, bakit ako pa? I'm happy with my life. Sadyang nagulo lang noong pumasok si Cindy sa buhay ko.
"Daddy!" Humahangos ang isang batang babaeng palapit kay Edward.
Oh, she's so cute! Maputi, blonde hair, kulot, may dimples! Anak niya siguro 'to. Malamang, tinawag niyang daddy si Edward, 'di ba?
"Baby, ba't hindi ka pa natutulog? Gabi na, ah." Ginulo-gulo ni Edward ang buhok ng bata.
"Hinihintay ko po kayo ni Mommy. Don't worry Daddy, I'm fine now. Sabi ni Yaya Fatima, galing na raw ako."
Kaya pala hindi niya binitbit sa kasal. But... WHAT?! MOMMY? Hala, anak ni Cindy ang batang 'to? Hindi obvious, sa ugali ba naman ni Cindy, mapapaisip ka kung paano nagkaanak ni Cindy ng batang sobrang bait.
"Good to hear that," ani Edward sabay tumingin siya sa 'kin without any expression, very plain kumbaga.
Tuod mode on.
We distracted by his phone. "Why don't you have Mommy for a sec? I'm gonna answer the phone..." Umalis si Edward, naiwan kami ng bata sa sala.
Niyaya ko ang batang maupo sa couch. Nasa harap namin ang isang malaking TV ngunit hindi niya naisipang paandarin iyon. Tahimik lang kami for the past 3 minutes, I think.
Nang lumaon ay yumakap siya sa 'kin, sobrang higpit n'on na tila matagal kaming hindi nagkita. Marahil busy si Cindy sa apparel shop niya kaya pati bata, hindi na magawang silipin.
"Akala ko po hindi na kita mayayakap, Mommy," malambing niyang sabi.
"Bakit naman, baby?" tanong ko tuloy. I have no idea about this family. Besides, Cindy didn't gave me just a piece of information about her family.
"Kasi po lagi kang busy. Pag-uuwi ka, palagi mo po 'kong pinapagalitan tsaka pinapalo. Tapos nag-away pa kayo ni Daddy last time before you get married."
Huh? Nag-war pa sila bago ikasal? Ayos din 'tong dalawang ito. Now, I know. Kaya hindi sumipot ang gagang Cindy kasi may World War III sila. Union!
Tsaka kawawa rin 'tong anak nila. Labidabs siya ng Daddy niya pero iyong nanay niyang demonyita, ayaw sa kanya. Ayokong husgahan si Cindy pero anong klase siyang ina? Nakakaloka. She's far from my loving and caring mother.
Pasalamat si Cindy at ako ang kinuha niyang impostora. Mabait kaya ako, 'no. At pinapangako ko, hangga't nandito ako, poprotektahan ko ang anak nila ni Edward, kahit hindi ko siya kaano-ano.
Basta, magaan ang loob ko sa batang 'to. Whatever the reason, I don't know and I don't care.
Marahan kong sinusuklay ang malambot niyang buhok. Hinawi ko rin ang iilang hiblang bumabagsak sa kanyang mukha.
"Hayaan mo, babawi ako sa 'yo. Hangga't nandito ako, ipaparamdam ko sa 'yo kung gaano kita kamahal. I will take care of you."
Just like my mom always do. I miss you, Mom. I'm sorry if I let myself trapped in this situation. On the other side, may magandang naidulot ang ginawa ni Cindy. Maaalagaan ko ang anak niya in a short period of time.
BINABASA MO ANG
The Impostor Bride (Billionaire's Slave Series 1)
General FictionI'm Courtney del Valle, anak ng former beauty queen at may-ari ng kilalang magazine company sa buong Pilipinas. I have all precious things in this world - money, attention and family. Finding someone to love isn't my priority yet, since I have my ow...