Chapter 18

7.9K 99 0
                                    

Courtney's POV

Tunay palang maitim ang budhi nitong si Cindy. Aba, tignan mo ang ginawa niya, nagpanggap bilang fake Courtney at hindi niya ko sinabihan about doon! Wala namang masama eh, para kahit paano hindi isipin ng parents kong hindi na ako babalik. Kumbaga siya sana 'yong pansamantalang mag-aalaga kay mom and dad habang nasa mansyon ako ni Edward pero anong ginawa niya?

She's trying to ruin my image not only to my family, but also to all people around me. Bakit niya ba ginagawa sa akin 'to? Ano ba kasing atraso ko sa kanya?

Kahit sina Wendell at James ay hindi makapaniwala sa aming natuklasan. Grabe, sa lahat ng taong nakilala ko, si Cindy 'yong kakaiba kung tumira - patalikod! Subukan niyang saktan ang mga magulang ko, akong makakalaban niya!

"Kasalanan ni Cindy lahat ng 'to! Kung hindi niya 'ko pinakidnap, buo pa sana ang pamilya ko," sabi ko kina Wendell at James.

They agreed. Ngayon, masasabi kong naging mabuting kaibigan sina Wendell at James, para bang sila iyong nagsilbing sina Pamela at Casey nang mga panahong wala sila sa aking tabi.

My cookie business brings us closer and we build a good friendship. Maybe when the time comes that I need to let go everything, isa sila sa mami-miss ko dahil ang dami rin naming nabuong masasayang alaala bilang magkaibigan.

 "Magiging maayos din ang lahat. May awa ang Diyos. Gagawin Niya ang lahat para bumalik sa dati ang buhay mo."

 Tama, may awa ang Diyos, alam kong hindi Niya ako pababayaan. Malalagpasan ko rin io, basta magtiwala lang ako sa Kanya.

 "Naniniwala ako, Wendell. Thank you for everything, guys. Kahit tauhan kayo ni Cindy, nandito pa rin kayo bilang mga kaibigan ko. I owe you one."

 "Siyempre, simula ngayon, kakampi mo na kami. Kung noon nakatali kami sa kamay ni Cindy, oras na para makawala sa kasamaan niya. Poprotektahan ka namin kahit anong mangyari," ani Wendell. Na-touch ako kasi ibang welder--este, Wendell ang kapiling ko ngayon, he never tried to say these words to me before but now, he did. I'm glad they came. At last.

 "Can I hug you guys?" They hugged me. I never had any male friends before. I'm so happy... I'm very happy, although Cindy ruined my day. 'Di bale, bukas o sa makalawa magtutuos din kami niyang buwisit na 'yan.

***

 Katanghalian nang bisitahin ako ng mag-ama. Mukhang kagagaling lang ni Edward sa school para sunduin si Alyvia. May dala rin itong isang paper bag at nagkukumahog na lumapit sa 'kin ang bata.

 "How are you, mommy?" tanong ni Alyvia. Pawis na pawis ito kaya kumuha ako ng towel para punasan siya.

 "Pawis ka, baby!" Pinunasan ko siya gamit ang face towel. "I'm fine, how's school? Did you get stars?"

 "Yes po!" She opened her bag and shown me her stars. "Teacher Helen made this for me, kasi magaling daw akong mag-drawing! Look here, mommy." She removed all her stuffs from her bag, but she can't find her drawing. "Where's my drawing? Dito ko lang nilagay, eh."

 Oh no, for sure pinaghirapan 'yon ng bata para sa 'kin. Kita mo, mukhang iiyak na. Ano kayang puwede kong gawin?

 "Alyvia baby, don't cry, it's okay. Hayaan mo, gagawa ulit tayo ng drawing, okay?" sabi ko.

Alright, I have no idea how to draw like a kid. I just remember my school days when I passed all the subjects except arts. Boplaks talaga ako riyan, eh. Akalain mong nag-summer class 'pa ko para doon then wala kaming ginawa ng tutor ko kundi mag-drawing ng kung anu-anong figure na 'di ko maintindihan.

 "Magda-draw po tayo?"

 "Um-hm. Me and you, all day." Napa-yehey si baby. Okay lang 'yan, Courtney, I told to myself. I'm her mom now; it's my responsibility to make her happy.

The Impostor Bride (Billionaire's Slave Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon