Courtney's POV
It's 9:30 PM. Tulog na si Alyvia samantalang si Edward naman ay busy sa harap ng laptop. Business purposes, as usual. Ilang araw na 'kong hindi makatulog nang maaga. Kainis! 'Pag ganyan nang ganyan, baka mag-contest na kami ng panda - palakihan ng eyebags!
Well, well, beri well, Wendell, anong ginagawa ng welder na 'to sa labas? Maistorbo nga. Oh, bakit? Sa wala akong magawa, eh. Baka sakaling makatulog ako 'pag binuwisit ko siya.
"Uy, nagmumuni, ah! May pa-look-up look-up pang nalalaman, para naman may wishing star na darating. Anong wish mo? Na sana dumating ang palalabs mo? Gising uy!" Hinampas ko siya sa balikat. Napalakas 'ata dahil muntik nang ma-out of balance ang loko. "Walang forever, tanga!"
"Ano bang pakialam mo, fake Cindy? Saka ba't ka nambubulabog dito? 'Di ka doon sa Edward mo, yayain mong makipag--" I didn't let him to continue his statement. I knew it, right!
"He's busy." He glared. "Hoy, walang ibig sabihin 'yon, ah. Baka isipin mo, porket busy si Edward eh, ikaw ang gusto kong maka..." Ay, ayoko na!
"Maka?" Maka-ano nga ba?
I hold the tip of my elbow, kunwari nag-iisip. "Makalaban sa MMA. Or 'di kaya, maka-tandem sa pagsugpo sa ilegal na droga."
Bigla niya 'kong niyugyog. Luh? "Nagda-drugs ka ba? Ba't bigla ka yatang naging interesado sa kampanya ni President Duterte?"
"Sira!" Gumanti ako ng batok. "Hindi ba puwedeng example lang? Buwisit ka!"
Tahimik kami ng ilang minuto. Ang awkward naman. Hindi ako sanay, eh. Kamusta na kaya sina Pamela at Casey? For sure nabo-boring na 'yon dahil gawain nilang makialam ng mga gamit ko. Hindi nila magagawa 'yon because obviously, wala ako. Isa pa, it doesn't make sense at all. Naroon kay Cindy ang mga gamit ko.
Now we're okay, sana payagan na ako ni Edward na humawak ng telepono. Kahit mga one hour, ganoon. Oo, one hour. Haller? Isang buwan kong tiniis na 'di makausap ang loveones ko, 'no! Kung tutuusin dapat tanggalin na 'yang curfew-curfew na 'yan! Mga feeling presidente!
The silence broke when we heard Wendell's phone. Napatingin siya sa 'kin nang malaman kung sino ang caller.
"Sino 'yan?" tanong ko.
"Si Boss." Wow, himala nagparamdam din! Kung kelang okay na, kung kelang napapalapit na ako kina Edward at Alyvia, saka e-epal 'tong babaeng 'to!
"Akin na, ako kakausap," sabi ko pero hindi siya nakinig. "Ano ba! Akin na sabi, eh!"
"Ayoko, magagalit 'yon. Saka ano bang pag-uusapan niyo? May sasabihin ka? Ako magsasabi."
Useless kahit kailan! Isip! Isip! Isip! Oh, I have an idea!
"Ganito, hihingi na lang ako ng pabor sa 'yo. Please Wendell, kapag tinanong niya kung anong kalagayan ko, puwede bang magsinungaling ka muna?"
"At bakit ko naman gagawin 'yon, ha?"
Ay naku! Daming tanong nito, leche!
"I don't know more about Cindy but I think, kapag sinabi mong maayos na ang pamilya niya, babalik 'yon at paano na lang ako? Etchapwera, gano'n? IIalayo niya 'ko sa mag-ama? No way!"
Ang nakikita ko kasing dahilan ng pagkuha niya sa 'kin bilang si Fake Cindy ay dahil kay Edward. Nakita mo naman kung paano niya 'ko saktan, 'di ba? Hindi malabong mangyari na nahihirapan na siya kaya humanap siya ng taong sasalo ng paghihirap niya. She must be thankful that she met a person who totally looks like her. I don't know how did it exactly happened.
Kung dati gustong-gusto ko nang makaalis dito, hindi na ngayon. I've already loved her family. Naranasan kong maging isang ina dahil kay Alyvia, at maging isang mabuting asawa because of Edward. It's a dream come true to me, para akong nagkaroon ng instant family.
BINABASA MO ANG
The Impostor Bride (Billionaire's Slave Series 1)
General FictionI'm Courtney del Valle, anak ng former beauty queen at may-ari ng kilalang magazine company sa buong Pilipinas. I have all precious things in this world - money, attention and family. Finding someone to love isn't my priority yet, since I have my ow...