#TIBRevelation
Song for this chapter: Hello by Adele
Cindy's POV
"I'm sorry, Misis, we do everything we could."
This can't be happening to me! Hindi maaaring mawala ang anak ko! Pangarap namin ni Zach ang magkaroon ng sarili naming pamilya balang araw pero bakit ganito? Bakit kailangang mangyari sa akin 'to?
"Doc, please. Say the truth! Nasa tiyan ko pa rin ang baby, 'di ba? She's still fighting, right?"
Umiling-iling ito. "I'm really sorry, bigo kaming iligtas ang bata sa sinapupunan mo. Nang isugod ka rito sa ospital ay hindi na nagawang kumapit ng bata. Anyway, we will observe you for a couple of days bago kita pauwiin to make sure that you're safe. Just take a rest for a while."
"No! No! No! Hindi puwedeng mamatay ang anak ko, naiintindihan mo ba 'ko, ha?! Ibalik mo ang anak ko!"
Muling umiling ang doktor. "Hindi ako Diyos para gawin ang bagay na iyon. I'm so sorry."
Hindi tumagal ay umalis din ang doktor at iniwan akong umiiyak. Gusto kong magwala subalit hindi pa kaya ng aking katawan. Kahit magsisigaw pa ako at mag-aatungal, kailanma'y hindi na maibabalik ang baby sa tiyan ko.
Kasalanan ni Courtney ito, eh! Lahat ng taong mahal ko, kinukuha niya! She's a selfish, she has no consideration at all! Muntik na niya akong mapatay, did she know that? Humanda siya sa akin. She had no idea what can I do to her, pagbabayaran niya ang ginawa niyang pagpatay sa anak ko!
"Hayop ka, Courtney. You want to play? Pwes, buhay ang kinuha, buhay din ang kapalit."
***
"Cindy..."
Kasalukuyan akong natutulog no'n nang maramdaman kong may humawak sa aking braso. I thought it was Zach but I was wrong. Gayumpaman ay medyo na-relief ako dahil nakuha niya pa ring dalawin ako after all what happened to my plan.
But how did he find out that I'm here? Hindi kaya alam niyang nalaglagan ako ng anak? Alam niya kayang si Zach ang ama at hindi siya?
"You're here." Nanghihina kong sambit, pinilit kong bumangon kahit 'di ko kaya. But he told me to stay where I am, so I've decided to lay on my bed.
"Huwag ka munang gumalaw at mahina ka pa," sabi niya. Umupo siya sa bakanteng upuan at nakatingin lang sa 'kin, ni hindi man lang naisip na haplusin ako o anumang pag-aalaga, just like before.
So true ba? May hindi magandang naidulot ang plano naming tatlo ni Zach. I wish he's here for me, and not to say goodbye.
"Hindi mo ba 'ko pakakainin o aalagaan gaya ng ginagawa mo dati?" sabi ko tuloy, kunwaring nagtatampo.
"I'm not here to take care of you, Cindy." What?
"So you don't love me anymore, ganoon ba? Huh, don't tell me you fell in love with that useless and pathetic woman!" He didn't answer. So my guess is right!
"Courtney is not pathetic, Cindy! Kung meron mang kawawa rito, ikaw 'yon! Alam mo kung bakit? Dahil hindi mo kayang tanggapin na tinalo ka niya!" bulyaw nito, bagay na ikinagulat ko.
It was the first time he yelled at me. After all these years na pagsasama namin bilang magkarelasyon, he never tried to be harsh to me. I thought he loves me. Nakipagsabwatan siya sa 'kin para mapatunayan niya kung gaano niya ako kamahal pero ngayon iba na pala ang mahal niya!
"Bakit ka ba ganyan? You still love me, right?"
"No, Cindy! Mahal kita noon pero hindi na ngayon. Lalo na't nalaman kong ibang lalaki ang ama ng batang pinagbubuntis mo?" he laughed bitterly. "You really think I'm stupid enough para hindi ko malaman ang sikreto tinatago mo? Si Zach na kinilala ko bilang matalik mong kaibigan at kasosyo sa negosyo ay kabit mo pala! I don't feel any regrets to fall in love with somebody else because I deserve to love other woman who's better than you!"
BINABASA MO ANG
The Impostor Bride (Billionaire's Slave Series 1)
General FictionI'm Courtney del Valle, anak ng former beauty queen at may-ari ng kilalang magazine company sa buong Pilipinas. I have all precious things in this world - money, attention and family. Finding someone to love isn't my priority yet, since I have my ow...