Chapter 12

9.4K 110 1
                                    

#TIBTwoCindys

Cindy's POV

 "HAHAHAHA! GIRL, HALIKA, TIGNAN MO! HAHAHA!"

 "BUWAHAHA! BUWISET, SINO BA 'YANG KASAMA NIYA SA PICTURE?! Naiiyak ako, wait. Hahahaha! Lakas ng trip ni Courtney amputs!"

 Argh! Ang ingay-ingay! Kanino bang mga bunganga ‘yang naririnig ko, ha? They're invading my privacy! Payapa na tulog ko tapos magigising ako dahil may nagtatawanang mga baliw?

What kind of place is this? I never thought ganito ang mga tao rito! I wonder how Courtney took all the troubles in here, o baka naman kasi siya ang pasimuno kaya ganyan.

“Damn!” Inalis ko ‘yong kumot sa katawan ko at labis akong nagulat sa nakita ko.

 Sina Pamela at Casey, narito sa sarili kong kuwarto habang kinakalikot lahat ng gamit ko sa bag! Nag-usok akong bigla sa galit. Buong buhay ko, walang nangangahas na makialam ng mga gamit ko. No one!

“Good morning, girl! Haha!” sabay kaway ni Pamela.

“Ganda ng phone mo, ‘teh. Ba’t ‘di mo kami in-inform na nag-upgrade ka na sa iPhone 6s? Kaloka ka! Saan ‘yong Samsung mo? Amin na lang!” ani Casey naman habang hawak ang telepono ko.

Bakit hindi ‘yong cellphone ni Courtney ang kalikutin nila’t pati akin ay ginagalaw? Are they uneducated people? Not obvious, they look so rich and very, very popular. Pero hindi ibig sabihing totoo ‘yon. I don’t even know them and they don’t know anything about me.

Baka manginig sila sa takot kapag nalaman nila kung sino ang taong sisira sa buhay ng pinakamamahal nilang kaibigan.

 “What is good in the morning? And what the hell are you doing here? Can’t you see me? I’m sleeping!” I held my hand to them. “Gimme the phone, NOW!”

 Nagkatinginan pa sila. Mukha ba ‘kong nagbibiro?

 “Grabe siya, oh. Init ng ulo! Bakit? Share mo naman, baka makatulong kami,” sabi ni Casey.

 “Cass, nakalimutan na yata ni Courtney na palagi natin ‘tong ginagawa sa kanya,” bulong naman ni Pamela, medyo napalakas iyon kaya imposibleng hindi ko marinig.

 “Luh? Ano ‘yon, nagka-amnesia? Loka ka rin, eh. Paano makakalimutan ni Courtney ‘yon, eh siya nga may gustong pinapakialaman ang mga gamit niya!”

They were talking like I don’t exist. What kind of friends are they? Ngayon lang ako nakakita ng ganitong mga kaibigan. I don't think it's normal, where's Courtney's privacy? Ako yata'y hindi makakatagal dito.

"Hey, do you hear me? I said give me the phone!"

"Oo na!" At binigay rin ni Casey ang cellphone.

"Oh, why don't you guys leave? You interrupted me and I don't need you here!" sabi ko sa kanila.

Again, the two burst out laughing. This is not NORMAL!

"Ikaw babae ka, ang dami mo nang sinisikreto sa 'min! I thought no secrets untold? Eh, sino 'yang guy na nasa wallpaper mo? Magjo-jowa na rin lang, sa mukha pang rapist."

Ano kamo? Did she called Zach a rapist?

"What?" tanong ko. Lalo akong namula sa sobrang inis.

"Tsaka parang matanda na. May ambisyon ka rin palang mag-asawa ng alagain. Nebeyen! Ang yaman mo na, anong mapapala mo kay lolong mukhang rapist, ha? Right, Casey?" They agreed.

Hindi na ako makapagpigil. Pinalagpas ko 'yong pangingialam nila at pagpasok sa kuwarto ko nang walang abiso, pero hindi ko hahayaang husgahan nila si Zach.

The Impostor Bride (Billionaire's Slave Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon