Chapter 15

7.8K 90 0
                                    

Courtney's POV

16 years ago...

 "Kendra, alam ba ng parents mong may sleep over tayo ngayong gabi? Baka magalit sila kapag nakita nila kami rito," nag-aalala kong sabi kay Kendra habang papasok kami sa kanilang bahay.

 I was 9 years old when my friend Kendra asked me to sleep in their house with Pamela. Nag-paalam muna kami sa parents namin and luckily they agreed. They trust Kendra since we've been friends since nursery, although medyo hindi close ang family namin sa kanya. May pagka-introvert kasi ang parents ni Kendra, just like her.

 Hindi siya mahilig lumabas ng bahay, madalas kapag nagkikita kami ay laging mainit ang kanyang ulo at kung minsan ay  tinatarayan pa kami. But despite of this, okay lang. Tinuring niya kaming totoong kaibigan ni Pamela. Parang kapatid na nga ang turing ko sa kanya, eh.

 "That's not important, Courtney. They already know it."

Huminto kami sa harap ng isang saradong pintuan. May hawak siyang susi, bagay na nakakapagtaka. Masyado pa siyang bata para paghawakin ng susi ng buong kabahayan, as in lahat.

 Patay ang mga ilaw, tanging flashlight lang ang nagsisilbing liwanag namin. Before we went here, saka lang namin nalamang brownout pala. Pero ang sabi ni Kendra, sandali lang daw at babalik din agad ang kuryente kaya tuluyan na kaming sumama sa kanya.

 "Wow, may ref!" Agad tumakbo si Pamela palapit sa refrigerator at binuksan 'yon. Napailing na lang ako, ang takaw talaga nitong kaibigan ko kahit kailan.

 "Gusto mong apple?" Bago ko pa nakuha ang apple ay nakisingit si Kendra sa ref at parang may kinuha roon. Binigayan niya ako ng malamig na juice.

 "Heto, refreshments. 'Di pa nahuhugasan 'yong apple, eh." Tamang-tama nauuhaw na 'ko.

 Ininom ko agad 'yong juice hanggang sa maubos. "Teka, diyan lang kayo ha? May che-checkin lang ako sa taas," pagpapaalam ni Kenda kaya kaming dalawa ni Pamela ay naupo muna sa mesa habang hinihintay si Kendra na makabalik.

 "Pamela, gusto mong juice?"

 "Ayoko," aniya. Nagpumilit itong kumuha ng apple sa ref at hinugasan sa fauset. "Mas gusto ko ng fresh fruits. Malay ko bang may lason 'yan?"

 "Pamela naman, eh!"

 "Joke lang, 'no. 'Di ka naman mabiro, para kang si Kendra."

 "Ano kayang ginagawa ni Kendra sa taas? Ang tagal naman niyang makababa," naiinip na tuloy ako. Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa si Kendra. Nakakaramdam na  rin ako ng pagkahilo mula nang inumin ko 'yong juice.

Totoo kaya 'yong sabi ni Pamela, na may lason 'tong juice na ininom ko?

"Courtney, are you okay?" tanong ni Pamela. Sinentro nito ang flashlight sa aking harapan. Habang tumatagal, lalo 'kong nahihilo na parang babaligtad ang buong mundo ko. Ang sakit din ng ulo ko. "Anong nangyayari?"

 "Pamela, para 'kong mawawalan ng ulirat... tulungan mo 'ko." Pinilit kong tumayo ngunit hindi ko magawa. "Uwi na tayo--"

 Isang malakas na kalabog ang narinig namin mula sa taas, dahilan upang ako'y tuluyang matumba. I look around, but Pamela got lost on my sight. Hangga't sa may sumigaw few steps away from my position.

 "There's a fire on top! Saglit, dito ka lang, ha? Babalik ako, I'll check if Kendra and her parents are okay," tarantang sambit ni Pamela. Imbis na magising ang diwa ko'y mas lalo akong hindi makakilos.

 Unti-unting natatabunan ng usok ang buong kapaligiran. I've been waiting for Pamela but she's not yet around. Kailangan na naming makaalis nina Kendra at ang mga parents niya, o mamamatay kaming lahat dito.

 "P-pam... Pamela... where are you?" I whispered.

 No, I shouldn't stay here, I need to do something to escape. Kung papalaring makalabas, the next thing I'll do is to save the rest of the people inside this house. Ayoko pang mamatay, marami pa 'kong pangarap sa buhay. I'd like to spend the rest of my life with my family and friends. Gusto kong makatapos ng pag-aaral at magkaroon ng sarili kong family one day.

 I'm not doing this just for them, but for myself also.

 Pinilit kong makatayo sa abot ng aking makakaya. When I finally stood up, I didn't waste my time anymore. I walked, walked and walked. Ngunit bago ako tuluyang makalabas ng kitchen, muling bumagsak ang aking katawan sa sahig. Ewan ko, para bang may tumulak sa akin at hindi ko alam kung sino iyon.

 Basta ang alam ko, may hawak siyang kutsilyo na puno ng dugo. That is the only thing I saw during that terrible moment. I can't even familiarize her face, masyado nang mausok at anumang oras ay mahihimatay na ako.

 Subalit ito lang ang tumatak sa isip ko.

 "You deserve to die and I will make you suffer in different ways. Kung hindi ka man mamatay ngayon, sisingilin kita sa tamang panahon. Which one you'd like? Hazing? Shoot to kill or kidnapping?" She sounds like a kid but her voice was very tough. "Hahaha! Or kill you with this knife, NOW!" I can't find out who she is.

 Mas lalo nitong nilapit ang kutsilyo sa leeg ko, subalit hindi ko pa rin makilala ang taong iyon.

 "W-who are you?" The last thing I remembered was I heard the siren of a police car outside. And the rest went blank, but somehow I considered this as the most terrible, traumatic incident of my life.

The Impostor Bride (Billionaire's Slave Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon