#TIBFearlessCourtney
Courtney's POV
Nagdesisyon sina Mom and Dad na manatili ng buong gabi sa burol ni Pamela habang kami ni Casey nagdesisyong babalik na lamang bukas. Maraming nangyari ngayong araw at iniisip ko pa kung anong kahihinatnan ng patuloy na paghahanap ng mga pulis kay Cindy. Marahil nakatunog na 'yon at siguradong karay-karay siya ni Zach papunta sa lunggang walang makakakita sa kanila.
Gayumpaman, wala akong pakialam kahit saan pa sila pumunta. Hahanapin ko sila kahit anong mangyari.
"Cass, cr lang ako," paalam ko kay Casey na tinanguan naman niya. Kanina pa 'ko hindi pumapasok sa banyo, para nang sasabog ang pantog ko.
Habang nasa loob ako ng comfort room ay nag-ring ang cellphone ko. Hindi ko muna sinagot dahil nasa bulsa ko 'yon at kasalukuyan akong gumagamit ng palikuran. Saka ko lang nasagot ang tawag pagbalik ko sa burol. Naka-tatlong beses ding tumawag ang isang unknown number.
Calling... 0927*******
Bagama't unregistered number ay parang kilala ko ang may-ari ng numerong ito. Kinabahan akong bigla pero sinagot ko pa rin.
"Sino 'to?" Ayokong mag-hello, as if karapat-dapat na batiin ng hello ang tumatawag.
"Hello, my dear. Condolence sa best friend mong pakialamera. Kamusta ang burol? Naka-get over ka na ba?"
"Ang kapal ng mukha mong tumawag pa matapos ang ginawa mong hayop ka! Nasaan ka? Magpakita ka sa 'kin at papatayin kita sa harap ng kabaong ni Pamela!" nangagalaiti kong sabi kay Cindy.
May pakialam pa ba ako kung marinig ako ng ibang tao? Wala na. Sana makita ko siya rito para ako mismo ang tumapos sa buhay niyang patapon na. Hindi sapat ang makulong siya ng habang-buhay; dapat sa kanya, pinapatay. Buhay ang kinuha niya, eh. So dapat buhay niya rin ang kapalit.
Tinawanan niya lang ako nang nakakainsulto. Animo'y pinapakuluan sa apoy ang aking dugo nang marinig ko ang tawa niya.
"Strong enough? Don't be so sure, Courtney. Baka ako pa ang tumapos sa 'yo niyan. By the way, hawak ko ang mag-ama."
Ano kamo? Hawak niya sina Edward at Alyvia?
"Walanghiya ka, anong ginawa mo sa kanila? Huwag mo silang sasaktan o ako ang makakalaban mo!" sabi ko.
"Yeah? You're kidding me, right? Kaya ko nga sila pinadukot, eh. Kasi alam kong 'pag nalaman mong nasa akin ang mag-ama, magkukumahog kang pumunta rito at harapin ako. Don't worry, hindi ko sila sasaktan, basta pumunta ka sa warehouse kung saan kita pina-kidnap noon. Don't bring anyone, kahit pulis. Kapag hindi ka tumupad sa usapan at sa takdang oras, ihanda mo na ang funeral service para sa kanila dahil isusunod ko na sila kay Pamela!"
"Huwag mo silng sasaktan, Cindy! Para sa kaalaman mo, ikaw ang tinuturong suspek sa pagpatay kay Pamela. Ikaw ang magtago dahil oras na mahuli ka ng mga pulis, pagbabayaran mo lahat ng mga kasalanan mo!"
She sighed. "I know right. Tanga ba 'ko? If I'll let you to bring cops, edi lagot ako. Laban natin 'to, ayoko ng epal, okay?" aniya. "By the way, gusto mong kausapin si Alyvia? For sure nami-miss mo na siya."
"Mommy Courtney! Help! Bad po si Mommy Cindy, sinasaktan niya po si Daddy--" she was cut of by Cindy who's trying to keep her mouth shut.
"Shut up! Dikitan niyo nga ng duct tape ang bibig ng batang 'yan! Ang ingay-ingay, eh," ani Cindy.
"Akala ko ba malinaw ang usapang 'di mo sasaktan ang mag-ama?"
"Oh, did I say that?" she laughed again. Damn, she's crazy!
BINABASA MO ANG
The Impostor Bride (Billionaire's Slave Series 1)
Narrativa generaleI'm Courtney del Valle, anak ng former beauty queen at may-ari ng kilalang magazine company sa buong Pilipinas. I have all precious things in this world - money, attention and family. Finding someone to love isn't my priority yet, since I have my ow...