Pamela's POV
I don't understand Courtney, ba't bigla-bigla siyang nagbago? Sa loob ng twenty five years na pagkakaibigan namin, hindi siya nagpakita ng kabastusan sa kanyang kapwa. Simula't-sapul ay kilala ko ang kaibigan ko - napakabait niya although pasaway at medyo gaga.
Ngayon, I can say that she totally changed. Laging nakataas ang kilay nito at kung minsan, nakakunot ang noo. Lagi kaming tinatarayan; well, siyempre 'di maiiwasan 'yon sa magkakaibigan pero iba 'yong way ng pagsusungit niya sa 'min ni Casey. Parang may galit siya at hindi namin alam kung ano iyon.
And you know what's the worst thing is? Nagagawa na niyang bastusin ang sarili niyang mga magulang! Nakita niyo naman kung paano pagsalitaan ni Courtney si Tita Rebecca, 'di ba? Kahit ako nagulat talaga, naisip ko tuloy, siya ba talaga ang best friend namin?
Nandito kami sa Dare Network Studios para i-shoot ang iCare Commercial ni Courtney today. Kasalukuyan siyang inaayusan ng mga make-up artists samantalang ako'y nasa labas ng dressing room at hinihintay siya. Ayaw niya raw akong makita the whole make-up session dahil nabubuwisit daw siya sa 'kin. See? Parang hindi kami magkaibigan kung pagsalitaan ako!
While waiting, I asked some of the staffs if they saw Direk Poochie. I just wanted to apologize for what Courtney did to him yesterday at the meeting. Nagsumbong kasi 'tong si Direk at nireport sa 'king sinampal siya ni Courtney at pinagsalitaan ng masasakit na salita. He said that thru text at dahil wala akong load ay hindi ko siya na-replyan.
Gusto kong kausapin ang kaibigan ko para malaman ang problema niya pero natatakot ako na baka masira ang friendship namin. Promise, iba na talaga siya, eh.
"He texted, he's on the way. May dinaanan lang daw sa bazaar," sabi ni Lolita, isa sa mga staffs ng production. "The taping is about to start, how's your bitchy friend, anyway?"
I sighed. "Inaayusan pa but I think patapos na rin 'yon."
"Okay," she said. "Tell her to come out when she got prepared, jeez! Si Direk Poochie male-late 'ata."
Male-late si Direk? Akala ko ba on the way na? Ano kayang sinaglit n'on sa bazaar? Well, why do I care? The reason why I'm here is for my girl-gone-bad friend, Courtney. Pasalamat siya nandito pa rin ako kahit inaaway niya kami.
Mayamaya, natapos na ang make-up session ni Courtney. She left the room with boredom on her face. I miss my old friend, 'yong laging nakangiti sa tuwing lalabas ng dressing room, yayakapin ako bago mag-start ang commercial except her last mineral water commercial kung saan nasa office ako and busy with my mom's client.
"Tara, Courtney," nakangiti kong sabi. Pinilit kong ngumiti kahit gusto kong umiyak, ni hindi man lang ako pinansin, eh.
Habang naglalakad kami'y bigla siyang nagsalita. "Nasaan 'yong magaling na direktor nitong taping?"
Nagtataka naman ako, ba't bigla niyang naisip tanungin ako kung nasaan si Direk Poochie? O baka gusto niyang magkaroon ng part 2 ang away nila kahapon? Grabe 'to.
Instead na mag-react ay sinagot ko na lang siya. "On the way na raw, hintayin na lang natin."
"Bullshit! Anong klaseng direktor ba 'yang kinuha ng production? Nananadya ba 'yan? I can't wait any longer, sagad na ang twenty-five minutes. Kapag 'di pa siya dumating, pasensiyahan na lang kami. I'll quit and that's final."
Narinig pa 'yon ng mga staffs dahilan para matahimik silang lahat. All of them were looking at Courtney with their mouths open. She sat on a vacant chair beside me.
"What are you looking at? Mind your own fucking business!" she screamed. Tila nagising ang diwa ng mga tao't nagsikilos din sila na parang walang nangyaring ganoon.
BINABASA MO ANG
The Impostor Bride (Billionaire's Slave Series 1)
General FictionI'm Courtney del Valle, anak ng former beauty queen at may-ari ng kilalang magazine company sa buong Pilipinas. I have all precious things in this world - money, attention and family. Finding someone to love isn't my priority yet, since I have my ow...