Courtney's POV
One month later...
Maraming nagbago sa loob ng isang buwan kong pananatili sa mansyon. Mas naging malapit ako kay Alyvia, naaalagaan ko ito nang maayos at ako rin ang nagluluto the whole day. Gayon din si Edward, tila isang milagro ang kanyang pagbabago.
Unlike my first three days here where I experienced abuse and hardcrying moment from Edward, he became more attentive to his family. Simula noong bigyan niya ako ng bulaklak ay hindi na muling naulit ang pananakit nito. Sa madaling salita, madali akong napamahal sa pamilyang ito, and it's because of Edward.
It's easy for me to adjust - but there are lots of changes in my lifestyle. Hindi na ako tinatamad gumawa ng mga gawaing bahay tulad ng pagluluto, pagdidilig ng mga halaman, kahit paglalaba paminsan-minsan. Kadalasan kasi, si Wendell ang taga-dala ng mga damit sa laundry shop. Siya rin ang naghahatid-sundo kay Alyvia sa school kapag sobrang busy ni Edward sa trabaho bilang business partner ni Cindy sa apparel shop.
By the way, as Fake Cindy, it's part of my job to help Edward. Eh, ano bang malay niyang impostora ako, 'di ba? Kamusta kaya si Cindy? Isang buwan na rin kaming hindi nag-uusap. May balak pa kaya 'yong magpakita?
How I wish Cindy would take over my responsibility as a loving and caring daughter to my own family. Pero imposible naman yatang mangyari 'yon. Kilala ko siya. She's a bitch and I think, hindi niya kayang maging Fake Courtney. Duh! Sounds awkward.
But, despite of the good things happened, may kulang pa - ang magkaroon ng freedom to get out of this place and see my family, which Edward not allowing to. Ewan ko kay Cindy. Gaya ng sabi ko, hindi pa kami nag-uusap simula noong ikalawang araw ko rito.
It seems like my life will end up as Cindy Roosevelt forever. I'll live here for many years 'till the day I die. Baka dito rin ako iburol. Just kidding.
"Mommy, look! I found my toy!" sabi ni Alyvia pagka-ahon nito from the swimming pool.
Tinuruan ko 'yang lumangoy two days ago at mabilis naman siyang natuto. Kanina'y mag-isa siyang nag-swimming sa 3-feet level, si James ang nagsilbing observer niya dahil ako'y pumunta sa garden. Hanggang dibdib niya 'yong three feet. Sinabi kong huwag bitbitin 'yong Minions niyang laruan at baka malaglag sa pool pero ang tigas ng ulo. Nalingat lang ako't heto ang aking naabutan. Nilangoy ng makulit kong anak ang 4 feet without my consent.
Buti hindi siya nalunod. Hay, mga bata these days. Sana pinakuha niya na lang sa 'kin, o kahit kay James! Jusme, iniwan ang bata nang nag-iisa! Lagot ako kay Edward 'pag may nangyaring masama sa bata. Isa pa, kargo de konsyensya ko 'yon. Pati kay Cindy, mapapaktay-Cindy ako n'on.
"Oh, dahan-dahan! Baka madulas ka." I sigh. "Ang kulit mo, baby."
"Can you leave the garden for a while, Mommy? Samahan mo 'kong mag-swim," pakiusap niya. Kasalukuyan kasi akong nagdidilig ng mga halaman. Palibhasa'y nakasanayan ko na 'yong gawin tuwing umaga.
Hmm. Matitiis ko ba ang kakulitan ng batang 'to?
"Sure, honey. Pero huwag mo nang uulitin 'yong ginawa mo kanina, ha? Naku! Lagot tayo sa daddy mo kapag nalaman niya 'to!"
"Sorry po," she says. Ginamit niya pa 'yong pinaka-cute niyang boses. Awww!
"Apology accepted," sabi ko rin.
Pinatay ko na 'yong gripo sa hose. Sinamahan ko siya pabalik sa pool at binilinang hintayin akong makabalik dahil magpapalit ako ng suot. Hello? Naka-pambahay ang lola niyo. Wala tayo sa beach para magsuot ng cotton na damit. Well, you know what I'm talking about.
***
So far, sa awa ni Cindy eh may itinira naman siyang tatlong pares ng swimsuit sa kanyang cabinet. Magje-jersey shirt at silky shorts na lang sana ako kung hindi ko 'yon nakita.
BINABASA MO ANG
The Impostor Bride (Billionaire's Slave Series 1)
General FictionI'm Courtney del Valle, anak ng former beauty queen at may-ari ng kilalang magazine company sa buong Pilipinas. I have all precious things in this world - money, attention and family. Finding someone to love isn't my priority yet, since I have my ow...