#TIBGoodbyePamela
Courtney's POV
"Anong oras na 'to? Hindi pa ba tumatawag si Pamela?" Casey asked, wondered.
I shook my head. Nag-aalala na kaming dalawa kay Pamela. Kanina lang kausap ko siya sa phone; sinabing susundan niya sina Cindy at Zach. Biniro ko pa ngang tumawag agad kapag may nasagap na tsismis, eh. Dalawang oras na kaming naghihintay ng tawag ni Casey, pero ni text o missed call wala.
What's happening with you, Pamela? Where the hell are you?
Tumayo ako sa kinauupuan. Nasa salas kami ngayon at naghihintay ng balita ni Pamela. Damn, have she thought that Cindy is a very dangerous woman? I believe, tototohanin niya ang kanyang banta sa 'kin sa phone.
Naku po, sana mali ang naiisip ko.
"Girl, ano ba? Puwedeng umupo ka ulit? Nahihilo ko sa kaiikot mo!" ani Casey. Hindi na ako mapalagay talaga. Habang tumatagal, pakiramdam ko'y palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko.
"Masisisi mo ba ako? Hindi si Pamela 'yong tipo ng taong pag-aalahanin tayo. There's something wrong, I feel it!"
"Courtney, just relax. Don't be so hard on yourself. Trust me, tatawagan tayo ni Pamela anytime from now."
Kinuha niya ang remote ng TV at nanood, to think na mababawasan ang tensyon sa paligid namin pero useless. Hindi ako mapapanatag hangga't hindi nagpaparamdam ang kaibigan namin.
"Anong channel?" tanong niya. I don't really have time for this!
Sumagot ako nang nakakunot ang noo, "I don't mind. I'm not interested."
"Ito naman, pinapakalma lang. Lalo kang mase-stress niyan, eh."
This woman shouldn't come here and visit me.
"You don't understand. Cindy Roosevelt is selfish, cruel and dangerous. See what's in her message? She doesn’t think twice but to put anyone of us in danger. And for Pamela, she's resourceful. She won't stop investigating till she finds out what Cindy's hiding. Once Pamela caught, regret will enter to her mind, realizing that she shouldn't stalk Cindy."
Walang kibo si Casey. Nagpalipat-lipat ang channel at napirmi rin siya sa news channel kalaunan. Hindi ko sana panonoorin ang balita kung hindi lang nabanggit ng reporter ang pangalan ng topic sa nasabing news.
Isang babae ang natagpuang patay sa loob ng South Memorial Cemetery pasadong alas-nuwebe ng umaga. Kinilala ang biktima na si Pamela Lynde, anak ng kilalang fashion designer at isang psychiatrist. Bukod dito'y natagpuan din ang bangkay ng tatlong guwardya at dalawang sepulturero na palutang-lutang sa ilong malapit sa nasabing lugar.
Ayon sa mga pulisya, natagpuan sa crime scene ang isang bag na pag-aari ng biktima na naglalaman ng cellphone, pera at iba pa. Anila'y hindi pagnanakaw ang motibo ng suspek sa krimen.
Tinuturong salarin ang negosyanteng si Cindy Roosevelt dahil nahanap sa cellphone ang isang video footage na siyang kinunan ng biktima, higit isang oras bago ito natagpuang patay. Hanggang ngayon ay walang lead ang pulisya kung saan nagtatago ang suspek.
Hindi ko na nagawang pakinggan ang buong report. Totoo ba ang narinig ko? Totoo bang patay na si Pamela? Patay na ang kaibigan namin?
Nanginginig ang buong katawan ko habang si Casey, halos manigas sa kinauupuan. Naramdaman kong namamasa ang mga mata ko at kulang na lamang ay bumagsak ang katawang lupa ko sa semento.
No, this is just a joke, right? This fucking news anchor is just kidding! Ayokong paniwalaan ito. Buhay pa si Pamela, 'di ba? Sinabi niyang tatawag siya. Pamela is safe. She's safe for pete's sake! She's still alive! Please, tell me this is not true!
BINABASA MO ANG
The Impostor Bride (Billionaire's Slave Series 1)
Ficción GeneralI'm Courtney del Valle, anak ng former beauty queen at may-ari ng kilalang magazine company sa buong Pilipinas. I have all precious things in this world - money, attention and family. Finding someone to love isn't my priority yet, since I have my ow...