Epilogue

12.3K 95 5
                                    

EPILOGUE

Makalipas ang tatlong taon...

Nandito ako sa sementeryo kasama si Alyvia. Sumaglit lang kami rito para dalawin ang isa sa mga espesyal na tao sa buhay ko, na ngayo'y nasa langit na. So far, medyo nawawala na 'yong sakit; which means unti-unti na akong nakaka-move on sa pagkawala niya.

Nakakapanghinayang. Hindi ko man lang siya nasilip kahit sa huling hantungan. Buwisit kasi, eh! Kasalanan kasi ni... Pambihira, ayoko nang pag-usapan pa ang gagang 'yon at baka multuhin niya pa ako mamayang gabi.

Nagtirik ako ng kandila sa puntod niya saka ko inutusan si Alyvia na ilapag ang dala naming orchids - one of her favorite flowers.

"Tatlong taon na ang nakalipas pero sariwa pa rin ang sugat na iniwan ni Cindy. I'm sorry if wala ako sa tabi mo noong pinatay ka niya. At least, nakuha naman natin ang hustisya, 'di ba? I hope kung nasaan ka man, maging masaya ka. Hayaan mo, next time magdadala ako ng daffodil. 'Di ba paborito mo 'yon?" natawa ako, pati si Alyvia ay nakitawa na rin. "I miss you, Pamela. Miss ka na namin ni Casey. I know hindi na maibabalik 'yong dati pero... okay lang. Tuloy pa rin ang buhay."

"Mommy, where's daddy? Bakit po siya umalis kanina pagkahatid niya sa 'tin?" tanong ni Alyvia sa 'kin. Oh, I forgot to tell her about the party.

"Busy si Daddy sa birthday party ni baby Bridgette. Hayaan mo, mayaman ang Mommy. Magta-taxi na lang tayo pauwi!"

"Mom!" hinawakan niya ako sa braso. "Arcade tayo," sabi niya.

Heto na naman tayo sa larong uubos ng pera mo sa wala! Hahaha!

"Alyvia, ang laki-laki mo na. You're nine years old. Arcade pa rin?"

She chuckles. Aww... ang cute! "Because I want to waste my money for nothing."

See? Manang-mana sa pinagmanahan. Wala na akong nagawa. Although she's nine years old, bata pa rin siya.

I messed her beautiful hair. Don't worry aayusin ko rin 'yan!

"Ikaw talaga. Tara na nga!" sabi ko naman.

Oh, akala niyo namatay na ako, 'no? Duh! Gagang author 'yon, papatayin ako sa sarili kong kuwento, eh bida ako! Hindi uubra ang kagagahan ni Author sa akin. Pareho sila ni Cindy - baliw!

Kidding aside, isang milagro ang nangyari sa akin. Ikinuwento ni Edward ang mga nangyari nang magising ako. According to him, nag-agaw-buhay pala ako sa emergency room bago ako operahan. Tapos ayun, nirevive ako. Akala ng doktor at ng mga nurse, deado na ako. Eh, biglamg gumalaw 'yong katawan ko? Tuwang-tuwa silang lahat.

Tagumpay nilang natanggal sa katawan ko ang tatlong bala - dalawa sa magkabilang braso at isa sa tiyan. I'm so blessed after all what happened, I'm still living. Ngayon, masasabi kong nasa tahimik na kaming lahat at wala nang manggugulo sa amin.

I'm now a mother of two children - Alyvia (of course), and my one-year-old baby girl, Bridgette Benson. Also, a wife of Mr. Edward Benson. Nagpakasal kami the following year after kong maka-recover. The next year, biniyayaan kami ng isang malusog na sanggol.

Sina Wendell at James na ngayon ang tumatao sa cookie business namin. We're paying them as regular employees but it cannot erase the fact that they're now part of my family.

While on our way to mall, my phone rings.

Calling... Edward

"Yes, honeybear?"

"Pauwi na ba kayo?" he asked.

Shit. Hindi ko pala na-text si Edward na dadaan muna kami ng arcade ni Alyvia bago umuwi.

The Impostor Bride (Billionaire's Slave Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon