Courtney's POV
"Cindy, what are you doing here?" Edward asked.
Yes, he's not talking to me but to the real Cindy Roosevelt. On what I observed parang hindi nagtataka si Edward kung bakit magkaiba kami ng suot ni Cindy. Tapos heto pa - hindi niya man lang naisip kung paano niya nakasalubong ang taong akala'y iniwan niya sa arcade?
I smell something's fishy over here...
"I-I need some fresh hair that's why I'm here," ani Cindy. I believe she was lying, she can't look straightly into Edward's eyes.
I managed to listen to their conversation, sinikap kong makapagtago nang maiigi upang hindi ako mahalata ng mga taong dumaraan.
"Gosh! I've missed you!" Napaigtad ako nang bigla nitong hinalikan si Edward sa harap ng maraming tao. My world starts to explode, para itong magugunaw kasabay ng pagyakap niya rito.
Kitang-kita ko kung paano maningkit ang kanyang mga mata - matalim iyon na tila may masama siyang binabalak. I don't think she kissed Edward because of her love and affection.
"Ay babaeng malandi!" I screamed in surprise when someone barged me from my back. It was an old woman who's watching the kissing scene. "Sorry po," pabulong kong wika. Baka marinig ako ni Cindy, eh kanina napasigaw talaga ako.
Nagulat 'ata si Lola, nanlaki ang mga mata nito nang makita ako. "Magkamukha kayo ng haliparot na babae?"
Good thing napigil ko ang pagtawa, grabe si lola! Haliparot talaga, eh.
"Ay, kakambal ko po 'yon. Pasensiya na po kayo sa kanya, may pagka-playgirl lang ang kapatid ko." Ibig-ibig kong sumuka sa harap ng matanda. Kapatid? Yuck, walang haliparot sa angkan namin, mga stick-to-one kami!
Umalis din agad 'yong matanda habang ako naman ay patuloy sa pakiki-usyoso.
"Why are you here? I told you to stay with Alyvia on the arcade! Ba't ang kulit mo? Sa CR lang naman ako pupunta, eh."
Gusto ko sanang sabihin sa kanyang, nilipat na pala sa exit ang comfort room? Kung talagang sa CR ang diretso niya, anong ginagawa niya rito?
"Huh?" Cindy seems confused, ano bang alam nito na lumabas kaming apat? At least ngayon alam na niyang kasama ako.
Edward sighs. "You left Alyvia again, akala ko nagbago ka na."
That's it? Psh, 'yon lang pala. Akala ko tuloy kung ano.
Makabalik na nga sa loob at baka hinahanap na 'ko ni Alyvia. At least I know what I'm going to do - pretend that I didn't listen to their convo and act like I followed him because I wanted to make a scene!
***
"Cindy, you changed your clothes again?"
"And so? Don't talk to me, wala ako sa mood," inis-kuno kong sabi kay Edward pagkabalik niya sa palaruan.
Katatapos lang ni Alyvia maglaro at nag-aaya nang umuwi. Bitbit nito ang sangkatutak na laruan at pagkaing nakuha sa arcade machines na nilaruan nito.
Kamusta naman akey? Waley!
"O-okay." Hindi na siya kumibo pagkatapos n'on at umuwi na kami.
Tahimik ako kay Edward the whole day - ni hindi ako nag-open ng topic na pag-uusapan. Kailangan, mapaniwala ko siya na ako ang babaeng kausap niya kanina. Mabuti nga sinundan ko siya kaya narinig ko sila ni Cindy. Kung hindi, baka magtaka 'yon kung bakit parang wala lang sa 'kin ang napag-usapan nila.
BINABASA MO ANG
The Impostor Bride (Billionaire's Slave Series 1)
General FictionI'm Courtney del Valle, anak ng former beauty queen at may-ari ng kilalang magazine company sa buong Pilipinas. I have all precious things in this world - money, attention and family. Finding someone to love isn't my priority yet, since I have my ow...