Chapter 1

22.9K 244 12
                                    

CHAPTER 1

"Tye Tye Mineral Water! Bili na sa suking tindahan!"

"CUUUUUUUT! MISS DEL VALLE, NA-DISLOCATE BA 'YANG KAMAY MO'T LAGING NAKABALUKTOT? NAKAKA-SAMPUNG TAKE NA TAYO 'DI MO PA MAAYOS!" galit na wika ng direktor na kulang na lang ay sabunutan ito at ibuhos sa pagmumukha ang hawak nitong mineral water.

Approximately, it's been 2 hours since the shooting has started. Labis ang pagsisisi ni Pocholo Alejandro Martinez a.k.a. Direk Poochie sa pagkuha kay Courtney del Valle bilang endorser ng Tye Tye Mineral Water. Palibhasa'y anak ng former beauty queen ito kaya malakas ang kapit sa producers.

You heard it right, reader. Si Courtney ay anak ni Rebecca Jade Sison na isang beauty queen at vice president ng Eleanor Jane, ang pinaka-popular na magazine company sa buong Pilipinas. Ang tatay naman niyang si Jon ay kasosyo ni Rebecca sa kanilang food bazaar business.

Masaya si Courtney sa buhay niya at masasabing kontento na siya rito. Kung ikaw ba'y may masayang pamilya, mababait na kaibigan at maraming pera, may mahihiling ka pa ba?

As of now, she's satisfied on her job as a commercial model. Naniniwala siyang ito lamang ang kaya niyang gawin. Her mother encouraged her to enter showbiz but it didn't work. Bakit? Sinuka siya ng publiko dahil sa palpak niyang pag-arte.

I hope you believe me. Eh commercial nga lang umaabot ng sampung take, eh. Shooting pa kaya ng pelikula?

"Ngawit na 'ko, Direk! Paanong 'di mamamaluktot ang kamay ko eh wala man lang break!" reklamo ni Courtney.

"At hinahanapan mo pa ako ng break ngayon, ha?!" Tumayo ang baklitang Poochie saka naglakad palapit kay Courtney. Kinuha nito ang hawak niyang mineral water para inumin.

Hindi maipinta ang mukha ni Courtney. She was about to drink it!

"Arrgh, kainis 'tong baklang ito!" bulong nito na hindi malayong narinig ng masungit na direktor.

Lumingon si Direk Poochie. "I don't like the tone of your voice. Don't talk to me like that!"

"Excuse me, am I talking to you? I'm just murmuring here..." Umiwas ng tingin ang dalaga, kunwari'y walang pakialam sa kanya.

"Well, baliw ka," anito. "Lolita! Bigyan mo ng bagong tubig si Miss del Valle. Naku, nase-stress ako sa 'yong gaga ka. 'Pag 'di ako nakapag-pigil, bubuhusan na kita ng 500 ML Tye Tye Mineral Water!" He's reffering to one of their staffs.

"Tse! Make it two, Lolita. I'm thirsty." She waited for the drink to come before they do the hoping-for-the-last-take-maawa-ka-Courtney-pagpahingahin-mo-na-kaming-lahat-thank-you-take.

No longer than three minutes, Lolita returned with two bottles of water on her hands. "Here." Inabot niya kay Courtney ang dalawang bote.

Mataman na tumingin ang dalaga kay Lolita. "Wala bang Wilkins?"

Sa pagkakataong iyon ay bumuwelo ng tayo si Direk Poochie. Kanina pa nagtitimpi ito at sobra-sobra na ang pagpapasensya sa dalaga. Sinong hindi magagalit kung ikaw commercial model, tapos hindi mo suportado ang produktong ine-endorse mo, 'di ba?

Maghanap ba naman ng Wilkins.

"Wilkins ba kamo? Heto!" Inagaw nito ang bote kay Courtney saka binuksan, bago tuluyang ibuhos sa katawan nito.

The Impostor Bride (Billionaire's Slave Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon