Chapter 3

13.9K 165 15
                                    

Courtney's POV

Kakababa ko lang ng van. Nakabuntot sa likod ko 'yong dalawang itlog na kumidnap sa 'kin. Itlog? Oo, mukhang betlog eh.

Maraming tao sa loob ng hotel pagpasok namin, karamihan sa mga babae ay nakasuot ng gown na kulay pink, at barong tagalog naman sa mga lalaki.

Super enggrande pala talaga ang birthday party ng pinsan ni Cindy. May pa-gano'n pang effect, akala mo mga pupunta sa kasal.

Teka, saang banda ba 'yong exact venue ng party? Nilingon ko 'yong dalawa, "Saan tayo?"

"Hotel," sarcastic nilang sagot.

Pigilan niyo 'ko makakasapak ako.

"Tange! I mean, saan banda gaganapin ang party? Ano 'yon, pagpasok natin sa entrance, on the spot agad? Umayos nga kayo! Saka bakit hindi kayo maunang maglakad? Mga useless!"

Anong klaseng mga tauhan meron si Cindy? Mapupurol ang utak, sarap tasaan nang tumulis-tulis.

Imbis na sundin ako, nakatayo lang sila at hinihintay na lumarga ako. Napakamot na lang ako sa bagong hairstyle ko. My goodness! Bahala na! Wala pa nga 'ko sa party, sasabog na ang ulo ko kina Wendell at James!

"Tara," yaya ni Wendell, hawak ako ni James habang nakasunod kami sa kanya.

Umakyat kami sa second floor. Mas nalula ako sa ganda ng lugar compare kanina. Ito na yata ang pinakamagandang hotel na nakita ko! I admit, marami na akong mapuntahang hotel, ngunit kakaiba ang isang 'to.

Shucks, dito na kaya ako tumira forever? Sana iyon na lang ang hiningi kong kapalit kay Cindy. It doesn't matter if she didn't bring my things back. Aaaah!

"Umayos ka, andito na tayo." Nagising ako sa pag-iisip nang magsalita si Wendell. Huminto ang mga paa namin sa harap ng isang arkong pintuan.

Umatras si Wendell, bale nasa gitna ako nilang dalawa. My heart starts to beat fast. Kanina okay na eh. Pero bumalik ulit iyong kaba ko nang andito na kami.

"Sigurado ka bang party 'tong pinuntahan natin? Bakit parang kulang na lang eh, ipitin niyo ko na parang sandwich? You guys are driving me nuts!"

"Manahimik ka, fake Cindy. Ang ingay mo." Maka-fake Cindy naman 'tong Wendell the welder na 'to. Sunget! May pairap-irap pang nalalaman, tusukin ko kaya mata nito?

"Hoy Wendell, huwag kang ganyan. Babae 'yan!" depensa ni James.

Mabilis mapikon ni Wendell kaya ayun ang mokong na James, binatukan. Si James the Fifty Shades of Grey, hindi nagpatalo't nakipag-suntukan kay Wendell.

Bakit kamo Fifty Shades of Grey? Eh, 'di ba 'yon ang totoong pangalan ni Christian Grey sa pelikula? Sino na nga 'yon? Si... James Jordan? Ah, basta! Siya 'yon!

Bago pa may mangyaring World War III ay pumagitna na ako sa dalawang sira ulong 'to. "Stop it! You guys are acting like kids! Dapat kayo ang kini-kidnap at hino-holdap eh. Kaimbyerna!"

"Ang mabuti pa, pumasok na tayo," ani James sabay hawak sa 'kin nang mahigpit.

Binuksan ni Wendell ang pinto, at dahan-dahan kong pinikit ang aking mga mata. I took a deep breath. I felt James' hand released from my arm. And that was the time I decided to open my eyes.

Ngumiti ako bilang pagbati, ngunit agad din iyong  nawala nang ma-realize ko kung anong okasyon ang napuntahan namin.

Tangene, ano 'to? Akala ko ba may birthday party dito? Ba't may judge? Bakit madaming tao? At may... GROOM?!

Pakisapak ako, baka nananaginip lang ang lola niyo. Jusme! Saan ako dinala ng dalawang itlog na kasama ko?

"Hala ka..." I can't hide my embarrassment. Puwedeng mag-walk out?

The Impostor Bride (Billionaire's Slave Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon