Chapter 20

8.4K 88 1
                                    

Courtney's POV

Nanginginig ang mga kamay ko habang nakaupo sa sulok ng emergency room. Kausap namin kanina 'yong doktor matapos obserbahan at kunan ng iba't-ibang tests si Cindy. Inilipat na siya sa isang private room ngunit mas pinili kong manatili rito gawa ng aking takot sa kanya.

"I'm so sorry, hindi namin nailigtas ang bata."

"I'm so sorry, hindi namin nailigtas ang bata."

"I'm so sorry, hindi namin nailigtas ang bata."

Paulit-ulit kong naririnig sa utak ko ang sinabi ng doktor kanina, tila mababaliw ako anumang oras. I'm so stupid for not realizing that Cindy is pregnant! Nawala ang anak niya dahil sa 'kin. Anong sasabihin ko kapag nagising siya? Would I cry, say sorry and ask her to forgive me? That's stupid! Walang kapatawaran ang ginawa ko. Pinatay ko ang magiging baby ni Cindy!

"Pamela, I'm scared... I killed her baby... I killed her baby..." Niyakap ko si Pamela habang umaagos ang aking mga luha.

Napakatanga ko! Hindi dapat ako masyadong nagpaapekto sa galit ko kay Cindy. Ang gusto ko lang naman ay matapos na ang kasamaang ginagawa niya hindi lang sa 'kin, kundi kina Mom and Dad at sa mga taong nasa paligid ko. Hindi ko inakalang aabot sa ganito ang lahat. I'm not a criminal, right? Hindi naman niya ako siguro ipapakulong, 'di ba? Makakasama ko pa rin ang parents ko; at makakapiling sina Edward at Alyvia, hindi ba? I'll live a life like I used to - like a fairytale in a storybook - I'll live happily ever after in the end.

"Shhh... Hindi mo pinatay ang baby ni Cindy, Courtney. You're not a killer. Obviously, it's not intentional at saka siya naman ang nagsimula, eh. Kung hindi ka niya sinakal, hindi mo siya maitutulak nang malakas dahilan para matumba siya sa sahig."

"Pero Pamela--"

Niyugyog niya 'ko nang mahina. "Listen, Courtney. You know what happened. Mag-undergo man ng investigation ang mga pulis, lalabas na self-defense lang ang nangyari. 'Di kita masisisi kung sumugod ka sa mansyon because Cindy did something bad not just to you, but also to your family. Please Courtney, stop blaming yourself. Hindi mo sinasadya 'yong nangyari," ani Pamela.

Tumango si Wendell. "Tama ang kaibigan mo. Kung ako ang nasa posisyon mo baka hindi lang 'yon ang ginawa ko kay Cindy. Kasalanan din niya dahil masyado siyang naging agressive, hindi man lang inisip ang magiging kalagayan ng bata if ever na may mangyaring masama, at nangyari na nga." Marahang hinaplos nito ang aking kamay. "Don't be scared. Nandito kami, though wala si James, pero kasama mo naman ang parents mo, at si Pamela. Hindi ka namin iiwan."

"Thank you for not giving up to me kahit bratinella ako, pasaway at medyo makulit, nandito pa rin kayo para damayan ako. Naalala ko noong kinuwento ni Mommy sa akin 'yong friendship nila ni Tita Chelsea at ng Mommy mo, Pamela. Halos mabaliw na si Mommy gawa kanyang sinapit pero hindi siya tinalikuran ng mga ito. Kung wala kayo, baka tuluyan na 'kong nasiraan ng ulo."

Sa pangalawang pagkakataon ay nagyakapan kami ni Pamela and this time, nakisama sa 'min si Wendell. Naibsan man nang konti ang sakit dulot ng nangyari kanina ay hindi pa rin nawawala ang takot ko kay Cindy.

Nagdesisyon akong hindi muna magpakita kay Cindy. Noong mabalitaan ko kay Wendell na gising na siya ay umuwi muna ako sa bahay namin. Pagod ako't kailangan kong mamahinga although sa tingin ko'y malabo akong makatulog ngayong gabi. But I will try my best because in the next few days, alam kong sangkatutak na pagsubok ang naghihintay sa 'kin.

Ngayong nalaman ko ang tunay na ugali't intensyon ni Cindy ay hindi ako mapalagay. Siguradong gagawa at gagawa ng paraan iyon para pagbayaran ko ang ginawa ko sa anak niya. Kung hindi man ako managot sa mata ng batas ay magsa-suffer naman ako sa kamay nina Cindy at Zach. Magkakampihan sila para tuligsain ako.

The Impostor Bride (Billionaire's Slave Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon