#TIBFakeCindyIsBack
Courtney's POV
If you're gonna look at my face right now, go on and judge me. Kesyo mukha akong drug addict o panda sa laki ng eyebags ko, I don't give a shit. HIndi ako dinalaw ng antok kahit isang pikit; after all what happened, I don't deserve to take a nap. Walang mangyayari kung hihilata na lang ako habang 'yong mag-ama, nagdurusa sa poder ni Cindy.
As I said, my parents stayed in Pamela's burial. I let Casey to sleep in my room; she's tired though. Sa sobrang pagod at gulat nang makitang may hawak akong baril ayun, bumulagta. Pinahirapan pa akong bitbitin siya sa kuwarto ko. Balyena kasi.
Kidding aside, I'll ask you, what would I do?
For over three hours of sitting in the dining room with a glass of wine in my hand, an idea came into my mind.
I know what I'm gonna do.
***
Morning.
Bukod sa plano kong iputok kay Cindy 'yong baril na nakuha ko sa vault, nakaisip din ako ng paraan para lagyan ng thrill ang buhay niya. This is what I told you earlier. Aba, para fair, ano? Sinabi kong huwag niyang sasaktan ang mag-ama pero anong ginawa niya? Pinaglalaruan niya lang ako. Sumusunod ako sa napag-usapan, eh. How about her? Rule breaker? Law abider? Isiksik ko sa divider ang bangkay niya, eh!
Calling... Wendell
Isa ko pang problema sina Wendell at James. Nag-out of town kasi sila at umuwi sa kanilang probinsya para magpahinga at makatakas mula sa kaguluhan dito sa Maynila. Since I went back home, I didn't talk to them. Kailangan ko silang makausap tungkol sa mga balak ko. I need them, so they have to be here as soon as possible.
"Hello, bakit?" masungit na bungad ni Wendell sa telepono. What's new? Eh, simula't-sapul ganyan naman ang welder na 'yan.
"Nasaan si James?" tanong ko.
"Tulog pa. Bakit ba?" he asked back. "Ang aga-aga, istorbo ka! Natutulog pa ako!" Halatang iritable siya. Obviously, nasa kalagitnaan siya ng pagtulog nang tumawag ako.
"Wala akong pakialam. Gisingin mo," sabi ko. "Bumalik kayo ng Maynila, ngayon na. May ipagagawa ako sa inyo."
Maagap siyang tumugon. "Anong gimik ba 'yan? Alam mo namang pinagtataguan namin si Cindy, eh."
Palibhasa walang alam sa mga nangyayari. Hindi bale, ipapaliwanag ko na lang sa kanila ang lahat kapag nakarating na sila rito.
"Basta pumunta kayo rito. Pag-uusapan natin kung anong gagawin. Magkano ba ang binabayad sa inyo ni Cindy noon? Hihigitan ko. Name the price, I will provide it."
Kitams? Kailangan mo pang tapalan ng pera para mapapayag. Punyeta, alam kong makukumbinsi ko sila basta may monetary involvement. Maliban sa gusto niyang sumapi sa 'kin, siguro binabarat sila ni Cindy kaya umalis sila sa poder niya. Dapat lang, 'no. Kawawa ako kapag nagkataon.
"Oh sige, sige! Hintayin mo kami," said Wendell.
Right after our short conversation, I hung up the call. All I need to do is wait them to arrive. Once we talked about this, I'll scare Cindy until she begged and agree on our deal. Wanna know what it is? Just watch and learn.
***
"Huh? Sigurado ka ba, Courtney? Ang hirap naman yata ng gusto mo."
Did I say anything confusive? Hindi ko alam kung na-gets ba nila ang sinabi ko o sadyang mahina lang ang guts nila para gawin ang pinapagawa ko. Damn these people. Handa akong magbayad ng malaki tapos heto ang sasabihin nila sa 'kin?
BINABASA MO ANG
The Impostor Bride (Billionaire's Slave Series 1)
Ficción GeneralI'm Courtney del Valle, anak ng former beauty queen at may-ari ng kilalang magazine company sa buong Pilipinas. I have all precious things in this world - money, attention and family. Finding someone to love isn't my priority yet, since I have my ow...