Courtney's POV
"I'm coming, just wait me there." I pressed the end button and gave the phone to Wendell. I was about to leave when someone spoke from the back.
"Saan ka pupunta?"
It was Edward who came from the shower. He's wet as hell, but I really don't care about it. Mas mainit pa sa impyerno ang pupuntahan ko kung saan namamalagi ang isang demonyong nagngangalang Cindy Roosevelt.
Pero anong sasabihin ko? Hindi ko naman puwedeng sabihin na pupuntahan ko ang original na Cindy para pigilan ito sa pagpapanggap bilang ako. Ay, bahala na!
"M-my friend is sick and she's in the hospital," sabi ko. "I need to see her before she get died."
I heard Wendell laughed. Tinignan ko siya nang masama. It's funny to think na nakuha ko pang magbiro ng gano'n but it's terrible to see if I killed Cindy because I lost myself.
"Do you want me to drive you to the hospital?" He offered. I have no time for his concern, kailangan kong iligtas si Mommy mula kay Cindy.
"You don't have to, si Wendell ang maghahatid sa 'kin. Don't worry, I'll be back." I placed a peck on his cheek before I decided to leave.
***
We used our service to reach my house. Hanggang sa sasakyan ay tahimik kami ni Wendell, 'di katulad kanina noong nasa shop kami ay never kaming nag-open ng topic. Nababahala kasi ako, baka kung ano nang ginawa ni Cindy sa pamilya ko.
The long wait is over. Panahon na para lumabas ako sa lungga na pilit akong itinatago.
Thirty minutes ang biyahe mula kila Edward hanggang sa mansyon namin. Approximately mga ten thirty na kami nakarating.
"I-park mo sa tabi," utos ko kay Wendell saka ako bumaba ng sasakyan. Bago 'ko sumugod ay may binilin muna ako rito. "Just stay here, okay? Hintayin mo ako." He nodded as I closed the door.
Nag-doorbell ako nang dalawang beses ngunit walang nagbubukas kaya sapilitan na akong pumasok. Where are the guards? Supposed to be kahit isang gwardya may nakatao sa guardhouse.
Iyon pala, nakiki-usyoso sa labas ng mansyon kasama ang iba pa naming mga katulong. Seriously, did Cindy pay them to rest and take a break from their job?
"Tabi nga!" Walang pakundangan kong pinasok ang bahay. Bakit? Anak ako ng may-ari nitong mansyon! Wala akong pakialam kung magulat sila, mangamot at magtaka kung bakit dalawa ang Courtney sa pamamahay na ito!
Nasurpresa ako pagkabukas ko ng pinto. Walang tao sa salas, ultimo bawat sulok ng ground floor, wala akong makitang bakas ng kawalanghiyaan ni Cindy.
"Hoy, Cindy lumabas kang hayop ka! Anong ginawa mo kay mom and dad? Walanghiya ka magpakita ka sa 'kin!" sigaw ko dahil hindi ko na mapigilan ang aking sarili. "Hindi ka lalabas? Cindy!"
"Ma'am, huwag ho kayong sumigaw--" Lumapit ang isa naming maid at akmang pipigilan ako sa pagsigaw. Nasa likuran niya 'yong dalawang gwardyang dapat ay nasa labas at pinagbuksan ako.
"Shut up, okay? Nasaan 'yong maldita niyong amu-amuhan, ha?! Ilabas niyo o tatanggalan ko kayo ng trabaho!"
Natahimik sila, ngunit nang lumaon ay nagsalita ang isa sa mga guard. "Ma'am Courtney? P-paanong..."
"Oh, gulat kayo, 'no? Nagtataka siguro kayo kung bakit dalawa ang amo niyo. Well, iyong babaeng pinakisamahan niyo ng ilang araw ay isang impostora. The person who's standing in front of you guys is your boss. Nasaan si Cindy or should I say, si impostorang gagang manggagayang kidnapper na buwisit?!" Hindi naging mahirap para sa 'king ipaliwanag sa mga 'to ang nangyayari dahil sa tagal nilang nagtatrabaho rito, kabisado na nila ang ugali ko.
BINABASA MO ANG
The Impostor Bride (Billionaire's Slave Series 1)
General FictionI'm Courtney del Valle, anak ng former beauty queen at may-ari ng kilalang magazine company sa buong Pilipinas. I have all precious things in this world - money, attention and family. Finding someone to love isn't my priority yet, since I have my ow...