#TIBCindysSecret
Courtney's POV
It's been few days since I found out his secret. Ilang araw na rin akong nagmumukmok sa loob ng kuwarto ko matapos niyon. Halos 'di na nga ako lumalabas, eh. Ultimo pagkain at pagliko ko'y nakakaligtaan ko na. Pasalamat ako kina Mom and Dad dahil matiyaga sila sa pagpapasensiya sa akin. Alam kong kahit anong mangyari, hindi sila mawawala sa tabi ko.
Malaki ang iniwang pekas ni Edward sa puso't pagkatao ko bunga ng kanyang panloloko. Ultimo mga kaibigan ko'y halos hindi ako makausap dahil wala akong ginawa rito kundi umiyak nang umiyak maghapon.
Ito na ba? Ito ba ang magbabagong buhay? Bakit ang sakit-sakit? Hirap na hirap na ako sa buhay kong 'to. Mahirap maging maligaya - kailangan mo pang sumuong sa katakot-takot na obstacle course bago ka makarating sa finish line - where you have no idea if that finish line would actually end all your struggles or that would shut you to death.
As expected, bigo akong nakapagpaalam kay Alyvia kahit sa text lang. I never tried to check my phone even my things that Cindy left in my room. I don't know why, I guess I'm not strong enough to do that. I was afraid of what will be her reaction when she heard me saying these words, "Goodbye, baby girl. We will never see each other again."
Ang umiyak lang siya, nanlalambot na ako. Kailan ako magiging handa para roon?
Alas-sais ng umaga - iyan ang sabi ng wall clock ko malapit sa pintuan ng aking silid. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para tignan ang ilalim ng kama kung saan pansamantala kong nilagay ang bag na maaalalang kinuha ni Cindy noong ma-kidnap ako.
Good thing walang kinawat si Cindy sa mga gamit ko. Sabagay, mayaman 'yon, eh. She can afford everything.
The phone I used last time when James contacted me was actually owned by Wendell. Hiniram ko 'yon noong gabing nadisgrasya si Cindy dahil akala ko'y nawala na ang telepono ko.
I checked my phone to see if it's still working. Guess what? Pagka-open ko, fully charged ang battery samantalang laging low bat iyon kapag ako ang gumagamit. Yeah right, 'di nga kinawat pero pinakialaman naman.
1 message from 0927*******
Huh? Sino kaya 'tong nag-text? Binuksan ko naman ang text message at ito ang nilalaman:
From: 0927*******
After all I've done to you, you're still lucky that you survived. Humihinga ka pa, pero huwag kang makampanteng magtatagal ka pa sa mundong ito. Magdasal ka na't ilang araw ka na lang. Don't worry, hindi kita ipapakulong but as a payment, you have to suffer in my hands and die slowly, dripping your blood from your mouth. Well, kung suswertehin ka pa rin, let your loveones pay your debt.
Received September 30 at 12:53 AM
Hindi nagpakilala 'yong nagtext pero alam ko na agad kung sino siya. I thought it was over but why does she need to scare me? Okay, sabihin nating hindi ganoon kadaling kalimutan ang pagkamatay ng anak niya pero hindi tama na pagbantaan niya ako at ang pamilya ko!
Natatakot ako para sa kanila, baka kung anong gawin ni Cindy sa mga ito. Ayoko nang maulit 'yong nangyari kay mom noong nakaraan, at mas lalong hindi ko kakayaning magdusa sila sa mga kamay ni Cindy.
I need to protect my family from that reckless woman before she hurt one of them.
I was about to leave my room when someone knocked the door. Pagbukas ko, nasurpresa ako sa biglaang pagbisita ni Casey. Ngayon ko lang siya ulit nakita matapos ang nangyari. Kung minsan ay kasama siya ni Pamela na pumupunta rito. Iyon nga lang, hindi ko sila nagawang harapin buhat ng aking sitwasyon.
BINABASA MO ANG
The Impostor Bride (Billionaire's Slave Series 1)
General FictionI'm Courtney del Valle, anak ng former beauty queen at may-ari ng kilalang magazine company sa buong Pilipinas. I have all precious things in this world - money, attention and family. Finding someone to love isn't my priority yet, since I have my ow...