Chapter 19 ∞ What To Say?

195K 3K 725
                                    

Mandy POV

"You want me to prove that I love you?"

Medyo kinabahan ako sa pagkakatingin niya sa'kin.  Napalunok ako.

"Marry me."

O_O

Marry me..

Marry me..

Marry me..

Oh my----

*TOK TOK*

O_____O

"MANDY! Okay kalang ba dyan?"

Sh*t. Napamulat ako. Ang bilis ng hininga ko. Nananaginip lang ako? Omg. Nakatulog pala ako habang nakahiga dito sa bathtub. Pagtingin ko sa wall clock dito sa loob ng bathroom. Almost one hour na pala akong nandito.

"O-Okay lang ako. Lalabas na din ako!" Sigaw ko kay James.

Napahawak ako sa bandang dibdib ko. Sh*t. Grabe yung napanaginipan ko. Akala ko totoo talaga. Hindi pala.

Pero pa'no pala kung totoo 'yun? Anong isasagot ko? Anong gagawin ko? Wala akong idea sa maaari kong i-react.

Hay Mandy, wake up! Masyado ng lumalawak ang imagination ko.

Tumayo na'ko mula sa bathtub saka nagshower.

Maya maya natapos din ako. Nakabihis na rin ako saka lumabas ng bathroom. Naabutan kong nanonood ng TV si James.

"Kinabahan ako. Akala ko kung may nangyari na sa'yo. Ang tagal mo sa bathroom tapos wala pa akong marinig na kahit anong ingay."

"S-Sorry.." Kung alam mo lang na nakatulog ako, worst, napanaginipan pa kita. Bakit ba kase ang lakas ng epekto mo sa'kin James? Aish.

"Ayos lang. Pwede na ba nating pag-usapan ang tungkol sa'tin?" Tanong niya.

Tumango ako. "Sure."

"Alam kong hindi maganda yung naging huling paghaharap natin. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. I want you Mandy. At alam mo namang mahal kita pero nilalayo mo ang loob mo sa'kin. Tell me, what is your problem?"

Kinabahan ako pero kelangan kong maging matapang sa pagharap sa taong nakakapagpalambot ng puso ko. "Problema ko? Ikaw. Yung mga tao sa paligid mo." Mataray na sagot ko. Ayokong makita niya yung kahinaan ko.

"Tao sa paligid ko?"

"Yung mama mo, si Ynna.." Sagot ko.

Devil Beside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon