Mandy POV
Nagising ako dahil sa music. Teka..
♫♫Been around the world, don't speak the language
But your booty don't need explaining
All I really need to understand is
When you talk dirty to me..♫♫
May music?! Bakit? Dito sa kwarto namin? Minulat ko ang mata ko.
O______O
♫Talk dirty to me..♫
O______O
Napalunok ako. Nananaginip ba ako? Oo totoo talaga 'to? As in, si James? Nagsasayaw ngayon na nakaharap saken, dito sa kama. At ang sounds, havey na havey!
"Goodmorning Mandy ko!"
♫Talk dirty to me..♫
Waaaaa! Totoo nga! "Anong kalokohan yan James?" Tanong ko.
This is my first time na makitang nagsasayaw ng ganito si James. Dinaig pa nya ang macho dancer. Haha. Talk dirty to me pala ha.
"Nag-e-exercise ako. Sobra ka Mandy," sabi nya saka pinatay na ang music.
"Exercise?!"
"Oo. Baka mamaya matuloy na yung...alam mo na.."
O_____O
"Hahaha. Joke lang. Masyado kang magugulatin. Yeah, talk dirty to me!"
=___=
"Dirty." Sarkastiko kong sabi. Talk dirty to him daw eh. Oh, edi dirty. Psh.
Pinatay na nya ang music. "Bangon kana. Let's have breakfast. Last day na natin dito, dapat lubusin natin. Minsan lang ako man-treat ng ganitong bakasyon."
Psh. "Fine." Bumangon na ako. Doon ko lang napansin na sa kabilang side pala ng kwarto may table. As in table na may foods and ilang stemmed white roses sa gitna na nakalagay sa mataas na vase. Ang ganda.
Lumapit ako sa mesa. Inalalayan akong umupo ni James. "Do you like it?" Tanong nya saka umupo sa tapat ko.
Tumango ako habang nakatingin sa mesa. Not a typical breakfast food. Actually, masasarap. May liempo, may cordon blue, may inihaw na tilapia pa..basta madami! Grabe si James. Dalawa lang naman kaming kakain.
May desserts pa. Leche flan, buko salad, wow! Mapaparami yata ang kain ko. Sabagay sabi nila, dapat daw talaga heavy ang kinakain kapag breakfast.
