Mandy POV
"Luke palermo at your service, Mandy Aguilar."
O_O
L-Luke Palermo? As in one of the Tigers!?
"What the hell are you talking about!?" Singhal ko. Medyo kinabahan na'ko don kasi nga muntik na'kong mabangga tapos itong Palermo na'to bigla akong yayayaing mkipag-date?
"Hahahaha. I'm just kidding. Wag ka ngang feeling Mandy. Madami akong chicks na pwedeng i-date. Mas magaganda at mas sexy pa sa'yo."
=_=
"Whatever! Aish. Umalis ka na nga dyan! Nakaharang ka sa daan!" Sigaw ko saka nag-martsa pabalik ng kotse ko. Badtrip na nga ako dumagdag pa ang Palermo na yan.
"I love you Mandy! Woot woot!"
=_=
Madala ka sana ng hangin Palermong pinaglihi sa walis tingting. Psh.
Muli kong pinaandar ang makina ng kotse ko nang makasakay ako.
*beep beep*
Aba't! Si Palermo di pa din inaalis kotse nya. Nakaharang sa dadaanan ko. Ang masama pa nito, nakadungaw siya sa bintana ng kotse nya. Kumakaway-kaway at nagpa-flying kiss. What's with him?
*beep beep*
Nilakasan ko na ang busina ng kotse ko. And at last, iniurong din niya ang kotse niya. Agad kong pinaharurot ang kotse ko. Bwisit na lalaking yun! Aish!
Maya-maya nakarating din ako sa mansyon. Yung phone ko ngayon ko palang iche-check. Hinayaan ko lang kasi sa bag ko mula ng umalis ako.
85 new messages
127 missed calls
O_____O
Pag-check ko puro si james ang missed calls. Psh. Bakit ‘di nalang siya mag-enjoy aksama ang Ynna na sipsip na ‘yon?
Hays. Binuksan ko yung isang message.
From: James
Where are you? Answer my calls, please.
-end-
Psh. Bakit pa nya ako hianhanap? Tutal andun naman yung Ynna na yun na gustung-gusto ng Mama niya. Nakakainis!
Hinagis ko yung bag ko sa kama saka nahiga rin. Ang sakit sa ulo! Bakti ba kasi ako in-love kay James? At bakit ba yung Ynna na yun epal talaga? Sarap sabunutan!
