Chapter 52

125K 3.1K 720
                                    

Mandy POV

Hindi ako pumasok. Bukod sa wala akong gana, natatamad pa ako. Wala na kasi akong energizer..

Wala na dahil, wala na siya...saken. 

For him, I'm just an old friend. Wala na siyang pakialam sa'ken. Ang sakit, sobra. Tipong sinaksak ako ng ilang beses gamit ang samurai. Ang sakit sakit sakit.

Para na akong taong buhay pero patay ang kaluluwa. Di ko ma-explain. High ako lagi. Wala sa sarili. Ilang araw palang ang lumipas pero miss na miss na miss ko na siya. Gusto ko siyang makita, o kahit matanaw lang. Pero wala akong magawa. Palagi akong nagkukulong dito sa mansyon. Nag-e-emote kahit alam kong..

T__T

Wala ng pag-asa. Pero hindi ako susuko. Ipaglalaban ko ang pagmamahal ko kay James. Ipaglalaban ko yung mga pangakong sinabi nya sa'ken noon. Mahal na mahal ko siya at hindi ako susuko. Kahit siya na mismo ang nagtutulak sa'ken palayo, pilit ko pa ring ilalapit ang sarili ko sa kanya. 

Dahil sabi nga niya no'n, anuman ang mangyayari, mabago man ang lahat, hindi magbabago ang katotohanang AKO ang laman ng puso niya, at hindi 'yun mawawala. Yun ang pinanghahawakan ko ngayon. Alam kong mahal pa rin ako ni James. Mahal na mahal niya ako. 

"Ma'am may bisita po kayo. Si spokening dollar po ulit!" Sigaw ng katulong mula sa labas ng kwarto ko. 

Spokening dollar, the hell? Psh. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto ko. Narito pa ang katulong sa labas. 

"Nasa salas po siya Ma'am." Sabi ng katulong. Tumango lang ako at bumaba na. 

"Hey demonyita." Salubong saken ni Fancy saka nakipag-beso. 

"Have a seat." Sabi ko. Sabay kaming naupo sa couch. "What is it?"

"I'm here to make gawa na my plan."

Huh? "Anong plano ba yan?"

"Make impake na."

"Ano?"

"I said, make impake na. You will make sama to me sa mansyon."

Sasama sa mansyon nila? "And why?"

"Because I say so."

=_=

Pilosopo. "Ano nga? Why?"

"You'll stay muna sa mansyon for one week. And sa loob ng week na yon, we'll make the trippings for Patrick."

Mag-stay sa mansyon..nila?! "Are you serious?"

Devil Beside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon