Chapter 36 ∞ Car Racing

146K 2.9K 436
                                    

XKing POV

Ayokong saktan si James Abellano dahil kapatid sya ni Lance. Pero mali ang ginawa nya. Hinding hindi ko ito-tolerate ang ginawa nyang eskandalo sa may condo unit ko. 

Walang nangahas na gumawa ng ganon saken, kahit yung ibang member ng XBang. Kaya hindi ko palalampasin yun. Binigyan ko sya ng chance. Hinamon ko sya sa isang dwelo. Siya naman ang nagsuggest ng car racing. Malakas din talaga ang loob ng gagong yun. 

Hindi nya ako kilala. Isa ang car racing sa pinagkakaabalahan ko sa underground world. Natuto ako nun dahil kay Kieffer. Obsessed yun sa mga kotse kaya mahilig yun sa car racing. Malaki ang tiwala ko sa sarili ko na mananalo ako. At sa usapan namin ni Abellano, kapag nanalo ako, ihanda na nya ang sarili niya sa pambubugbog ng buong XBang. 

Hindi ako ang klase ng tao na may awa. Ang dapat parusahan, pinaparusahan. 

Naitigil ko saglit ang kotse ko. Malapit na ako sa hide-out. Mamaya magsisimula na ang car racing. Naka-handa na sa lumang buinding ang sports car na gagamitin ko. 

Napahawak ako sa baba ko habang iniisip yung nangyari kanina. 

Galing ako sa mansyon ni Mandy Aguilar. I really like her personality. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko, mahalaga sya saken. Ayoko syang masaktan, ayokong may mang-aagrabyado sa kanya at gusto ko lagi siyang safe. But it doesn't mean that I love her. I said, LIKE. I only like her. And because of that, binigyan ko ulit ng chance si Abellano. I asked Mandy kung mahal nya si James Abellano. Yes, maybe I'm kinda weird? I don't know. Basta tulad ng sinabi ko, ayokong nasasaktan si Mandy. Parang gusto kong maging guardian angel nya kahit demonyo ako. 

Kapag sinabi nyang oo, mahal nya si James, magpapatalo ako sa car racing. Why? Dahil nga alam ko na kapag nabugbog namin si James, masasaktan sya. Eh ayoko nga syang masaktan. So ganun. 

Pero pag sinabi nyang hindi, magiging halimaw ako sa car racing mamaya. Alam na alam kong kayang-kaya kong talunin si Abellano. At pag natalo siya, siguradong magdidiwang ang XBang dahil mabubugbog na namin sya. Nung malaman palang nila ang ginawa ni abellano sa condo unit ko, muntik ng manugod ang mga ka-gang ko. Pero pinigilan ko sila to gave him chance. 

Demonyo ako. Kung hindi dahil kay Mandy, hindi ko bibigyan ng chance si Abellano. Pero ngayong alam ko ng hindi naman pala sya mahal ni Mandy...magdasal na siya. Tawagin na nya lahat ng santo dahil tatalunin ko siya. 

--

Mandy POV

Ang weird ng feeling ko. Kanina pa hindi mawala sa isip ko yung tungkol sa mga sinabi ni XKing. Basta di ko lang siya magets. Bakit ganon mga tanong nya, bakit nagconfess sya. 

Pero sa totoo lang? Si XKing lang yata ang kilala kong nag-confess ng straight to the point. Direct. Walang hiya-hiya. Parang normal lang sa kanya. 

Hay. Di ako makatulog. Tapos si James, di man lang magtext o tumawag. Ano kayang pinagkaka-abalahan ng lalaking walang ABS na yun. Psh. 

Devil Beside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon